19

1643 Words
3rd Person's POV; "Go Cross!" Cheer ni Alica habang pinapanood ang pagpapractice ng team ni Cross para sa nalalapit na laban ng Sillius at C-lite. "Captain! Wag mo naman masyadong galingan pahawak naman sa bola!" Sigaw ng isa sa mga kateam ng binata na kinatawa ng miyembro ng Redtape na nakatayo lang naman sa loob ng court at tanging si Cross lang ang lumalaban. Kumpara sa binata doble ang laki ng mga ito kaysa sa kanya pero sa bilis at experience walang laban ang mga ito kaya napapailing na lang si Cross tuwing nalalampasan niya ang mga ito at nakakashoot. 'Gosh Alica ang swerte mo sa bf mo gwapo,matalino at sobrang galing pa sa sports.' "Hindi ko siya magugustuhan kung hindi siya ganun noh." Proud na sambit ng babae ng---. "Magiging ganyan pa din kaya kataas ang confident mo sa boyfriend mo pag nalaman mo ang nakakahiyang sekreto niya." Natatawang sambit ng isa sa grupuhang nasa likuran ng mga babae. "Sino ka naman?" Nakataas ang kilay na tanong ni Alica ng makita ang mga lalaki sa likuran nila. "Bilis mo naman yata makalimot Alica." Sagot ng lalaki habang nakangisi at makipagsukatan ng tingin kay Alica. "Tara na girl ang creepy nila." Yaya ng isa sa mga kaibigan ng babae. "Alica." Napatingin ang mga babae ng tawagin ni Cross si Alica. "Tara na." Yaya ni Alica sa mga kaibigan bago tumayo at lumapit kina Cross. Napangisi ang binata ng magtama ang mata nila ni Cross na ngayon ay nakapako ang tingin sa kanila. Hindi nagpakita ng emosyon si Cross na kinawala ng ngiti ng lalaki matapos nito tumalikod kasunod ang grupo at sina Alica. --- "Mabuti pa Arkhon umuwi na tayo." Ani ni Cross matapos nito pumasok sa opisina ng binata na kasalukuyang kaharap ang laptop. "Cross mauna kana madami pa kasi akong gagawin." Ani ni Arkhon habang nagtitipa at---. "Cross." Ani ni Arkhon ng isara ni Cross ang laptop ng lalaki at alanganing itinaas ang tingin para salubungin ang mata ni Cross na masama ang tingin sa kanya. "Pinagbigyan na kita ng straight 4 days Arkhon at tama na yun para sa linggo na ito." Ani ni Cross na kinatawa ng mahina ni Percy ng makita ang pagkamot ni Arkhon sa ulo. "Cross kailangan ko ito tapusin malapit na ang school fes--- saan ka pupunta?" Tanong ni Arkhon ng talikuran siya ni Cross at nakapamulsahang naglakad palapit sa pinto kung nasaan si Haru at Percy. "Susunugin ko ang mga booths sa baba para wala ng schoolfest na mangyayari, wala ka ng gagawin at makapagpahinga ka." Bored na sagot ni Cross. "What the heck." Mura ni Percy ng makitang mukhang seryoso si Cross at talagang inabutan ni Haru ng lighter ang binata. "Cross! Teka ito na nga uuwi na, sino bang may sabi na hindi ako magpapahinga." Habol ni Arkhon kay Cross at hawakan ang kamay ng binata. "Ito na uuwi na." Ani ni Arkhon na kinangisi ni Haru. "Under." Bulong ni Haru. "May sinasabi ka Vandatt? =_=." Tanong ni Arkhon na kinataas ng gilid ng labi ng lalaki. Sabay lumabas ang dalawa habang kinukulit naman ni Arkhon si Cross. "Wala ka ba talagang balak umamin kay Cross Haru?" Tanong ni Percy habang nakatingin kay Haru na nagsisindi ng sigarilyo. "Ano namang aaminin ko?" Tanong ni Haru bago binuksan ang pinto at lumabas kasunod si Percy. "Yung nararamdaman mo sa kanya, I mean hindi naman---." "Ayoko ng gawin na mas komplikado ang buhay ni Cross Percy, dahil mas kuntento na ako sa ganito masakit man sakin na makitang masaya siya sa iba ang mahalaga habang buhay ko siyang makasama, kahit bilang kaibigan lang." Ani ni Haru habang nakatingin sa dalawang tao na naglalakad palayo. "Aray Cross kanina ka pa masakit na nga ang ulo ko binatukan mo pa." "Tahimik." --- "Anong problema?" Ani ni Arkhon matapos ipulupot ang braso sa hubad na katawan ni Cross na tanging tuwalya lang ang nagtatakip sa ibaba. "Bakit gising ka pa?" Pokerface na sagot ni Cross matapos humithit ng sigarilyo at bahagyang humilig ng halikan ni Arkhon ang leeg ng binata. "Akala ko kasi umaga na, ikaw mukhang malalim ang iniisip mo." Ani Arkhon matapos humiwalay sa binata at damputin ang iniinom na kape ng lalaki na nasa coffee table ng balkonahe. "Inisip ko lang yung mga bagay na maaring mawala once na piliin kita." Walang paligoy-ligoy na sagot ni Cross na naging dahilan para mabitawan ng lalaki ang baso at mabasag. "s**t! Teka kukuha lang ako ng basahan." Ani ni Arkhon bago naglakad papasok ng apartment. Hindi umimik si Cross at sinundan ang lalaki, papasok ito ng bathroom ng mabilis siyang hinawakan ni Cross sa braso na kinatigil ng binata. "Hanggang kailan tayo magpapanggap at mag aacting na walang mangyayari in future Arkhon." Ani ni Cross. "Hanggang kailan natin ito gagawin, maglaro ng bahay-bahayan? Paglabas ng lugar na ito magpanggap na magkaibigan." "Sabihin mo ang gusto mo mangyari Cross." Ani ni Arkhon na kinatigil ng binata matapos siyang lingunin ng lalaki. "Arkhon." Ani ni Cross na kinangiti ng binata. "Cross ikaw lang naman inaantay ko." Bulong ng lalaki. "Ikaw lang inaantay kong magdesisyon para sa ating dalawa, dahil ako matagal ng nakapagdesisyon." Dagdag ng lalaki bago ngumiti. "Handa ko lahat isakripisyo para sayo, mabuhay kasama mo." Ani ni Arkhon. "Ikaw Cross handa ka ba? Kaya mo bang maging selfish para sakin. Once na masagot mo yan ititigil na natin lahat ng ito nasayo na ang desisyon kung magsisimula ba tayo o lahat na lang ng ito kakalimutan at iwan lahat dito." Hindi nakasagot si Cross na kinangiti ng binata bago magaan na hinalikan ang lalaki na nakatulala sa kanya. "Ang maliit na kwartong ito, ito ang mundong pinapangarap ko kasama ka, mundong tayo lang dalawa walang Alica, walang estudyante ng C-lite, walang responsabilidad ikaw at ako lang. Ganitong mundo ang gusto ko para sa ating dalawa. Na nagiging imposible dahil pareho tayong lalaki at isa kang Acosta." -- "f**k!" Mura ni Cross matapos mapaupo habang hawak ang ulo ng matamaan siya ng bola. "Cross!" Sigaw ng Redtape. "Tangna bakit mo tinamaan si Captain!" Sigaw ng isa sa mga varsity player sa nagpasa ng bola. "Hindi ko naman alam na hindi niya masasalo!" Balik na sigaw ng lalaki. "Cross sinasalo ang bola hindi sinasangga gamit ang mukha." Pokerface na sambit ni Haru ng tulungan siya tumayo nina Chase. "f**k you." Singhal ni Cross bago naglakad palapit sa bench habang hawak ang ulo. Matapos sumipol ng coach ng team nina Cross naglapitan ang players kay Cross na umiinom ng tubig. "Captain pasensya na hindi ko naman sinasadya---." "Ayos lang yun kasalanan ko, wala kasi ako sa sarili kanina" putol ni Cross bago kinuha ang cold compress na inabot ng manager nila at ilagay sa ulo. "Mag-usap tayo." Ani ni Haru matapos tumalikod at naglakad papunta sa locker room ng team. Hindi umimik ang binata at tumayo bago naglakad at sundan si Haru. -- Nang makapasok sila sa locker room at ilock ni Haru ang pinto pokerface na tiningnan ni Haru si Cross na umupo lang sa bench na nasa loob. "Spill it, si Arkhon ba?" Tanong ni Haru ng makita ang expression ng lalaki. "Haru, bakit hindi ko magawang makapagsalita ng sabihin ni Arkhon na gusto niya ako makasama. Yun ang bagay na inantay ko ng ilang taon, yun na ang gusto ko mga bata pa lang kami pero bakit nang sabihin niya yun nagdalawang isip ako matapos ng sinabi mo na si Arkhon ang maargabyado dito hindi ako." "f**k it! Bakit ako natatakot?!" Sigaw ni Cross matapos suntukin ang locker na dahilan para mayupi yun at bumakat ang kamao ng binata. "Isa lang ang ibig sabihin niyan Cross, mahal mo siya at hindi lang basta makasama siya ang gusto mo mangyari." Ani ni Haru na kinatingin ng binata. "Hindi manhid si Arkhon, alam kong alam niya kung bakit sinasabi mong gusto mo siya dahil ang totoo gusto mo lang ng makakasama at ayaw mo siyang mawala. Takot ka mawalan ulit dahil sa isa sa dalawang tao na pinakamahalaga sayo bigla na lang nawala ... ngayon ay isa na lang at si Arkhon yun." Ani ni Haru na kinakuyom ng kamao ng binata. "Bakit ganito ang nangyari? Bakit?" Naggigitgit na sambit ng lalaki matapos mahinang iuntog ang sarili sa locker. "Sa sitwasyon na ito kayang-kaya mo isakripisyo ang lahat ng sayo. Katulad ng kinasanayan mo gumagawa ka ng sarili mong daan malayo bilang Acosta iba sa bagay na tinatawag na tadhana. Pero kaya mo din bang makita ng lahat ng bagay kay Arkhon unti-unti din nawawala, kaya mo bang marinig ang masasakit na salita, panlalait ng iba without thinking sa feelings ni Arkhon, kaya mo bang tumingin kay Arkhon ng hindi iniisip ang maaaring tingin sa kanya ng mga taong nakapaligid sa inyong dalawa? Kaya mo ba Cross?" "Cross." Ani ni Haru bago humakbang palapit sa lalaki at lumuhod sa harap nito matapos mapaupo si Cross sa sahig at naiinis na tumingin sa kawalan. "Siguradong lahat ng bagay na yun naisip ni Arkhon." Ani ni Haru na kinatingin ni Cross. "Ang advantage lang sa mga desisyon na ginagawa mo, walang gaanong mawawala sayo dahil matagal ng inalis ang karapatan mo bilang Acosta, immune na si tito sa pagiging matigas ng ulo mo. Hindi katulad ni Arkhon na lahat ng ginagawa niya para sa iba, may magandang image, isama mo pa ang pagiging president ng C-lite. Alam kong alam niya na madaming mawawala sa kanya pag pinili ka." "Putangina bakit niya sinabi na handa siya, bakit niya kailangan sabihin ng lahat ng yun kung alam niya---." "Ganun ka kahalaga." Sagot ni Haru bago ngumiti at tapikin ang ulo ni Cross. "Mas higit na kilala ka ni Arkhon kaysa sakin, kaya siguro binigyan ka niya ng oras para makapag isip ... dahil sa pagiging makasarili mong hindi para sa lahat." "Sa kahit na anong aspeto nagiging selfless ka pagdating sa kanya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD