3rd Person's POV;
'President una na kami sa labas.'
'President uwi na kami.'
"Ingat kayo." Ani ni Arkhon mula sa bathroom ng locker room para sa boys.
Buong araw kasi sila nag-organize ng booths at maghapon din iniassist ng mga SC members ang mga estudyante. Dahil sa naglalagkit na ang binata sa sarili napagpasyahan nitong sa bathroom na ng locker room maligo.
Matapos maligo ng lalaki half naked itong lumabas ng bathroom para kuhanin ang P.E uniform na nasa gym bag niya.
"Cross." Ani ni Arkhon ng makita ang binatang nakasandal sa locker niya at nakayuko.
"Kanina pa kita inaantay sa labas." Ani ni Cross matapos tingnan ang lalaki na naglalakad palapit sa kanya.
"Nilock mo ba ang pinto?" Tanong ni Arkhon ng magtama ang mata nilang dalawa.
Sasagot si Cross ng siilin siya ng halik ni Arkhon malalim at matagal na halik.
"Arkhon." Habol hiningang sambit ni Cross na kinataas ng gilid ng labi ng binata.
"Bilisan lang natin." Bulong ni Arkhon sa tenga ni Cross ng maramdaman niya ang kamay ni Cross sa p*********i niya.
Hindi umimik si Cross at walang sali-salitang lumuhod.
---
"Ang dami niyo yatang binili." Komento ni Iggy na nakasandal sa kotse ng lumabas sina Haru na may mga dalang plastic bag galing sa convenience store.
"Puro beer at junkfoods lang naman ito." Ani ni Percy matapos ipasok ang mga dala nila sa kotse.
"Sabagay ano nga naman ang gagawin natin sa campus maghapon wala namang pasok." Ani ni Iggy.
"Mukhang sinuswerte tayo ngayong araw ah."
Napatingin ang Redtape ng may mga gangster na lumapit sa pwesto nila.
"Sillius." Bored na sambit ni Cross ng makita ang suot na uniform ng mga lalaki.
"Baka gusto niyo mag exercise tayo kahit konti." Nakangising sambit ng isa sa walong lalaki.
'Mukhang may gulo.'
'Alis na tayo dito.'
"Wala kami sa mood para makipaglaro sa inyo." Bored na sambit ni Cross na kinatigil nina Haru ng hindi sila pinansin ng lalaki.
"Umalis na kayo." Walang ganang ani ni Cross matapos buksan ang compartment ng kotse at ilagay dun ang mga pinamili.
"Bago yun ah Cross, don't tell me naduduwag kana?" Pangisi ngising sambit ng lalaki.
"Sumakay na kayo sa kotse." Utos ni Cross.
'Boss ang angas pala niyan eh hindi ka pinansin.' Ani ng lalaki, hahampasin ng isa sa mga gangster sa likuran si Cross ng mabilis umiwas ang binata.
Matapos ibagsak ni Cross pasara ang hood ng compartment napahiyaw ang binata nang maipit ang kamay nito at mabitawan ang tubo.
"Sabi ko na ayoko ng gulo." Ani ni Cross.
Lalapit sina Haru ng itaas ng binata ang kaliwang kamay at lingunin ang mga gangster na kasalukuyang masama ang tingin sa kanya.
"Siguradong madidisqualify na kayo bago ang competition."
Nakangising sambit ng isa sa mga estudyanteng nagtatago sa bakuran ng isang abandonadong bahay at nakatingin sa grupuhan ng Redtape habang may hawak na video camera.
"Kung ayaw niyo masaktan umalis na kayo." Walang buhay na sambit ni Cross.
"At sa tingin mo susunod kami sayo para tumakbo." Pokerface na sambit ng isa sa mga lalaki bago sabay-sabay na sinugod si Cross.
Lalapit sina Percy ng harangan sila ni Haru.
"Malapit na ang game natin hindi tayo pwede gumawa ng kahit na anong gulo kagaya nung isang taon." Ani ni Haru matapos tingnan si Cross na puto iwas ang ginagawa.
'Aaah!'
Hiyaw ng isa sa mga gangster ng hindi sinasadyang mahampas siya ng kaklase nito ng tubo dahil kay Cross.
"Ikaw!" Sigaw ng isa sa mga gangster at hahampasin nito si Cross mula sa likuran ng humakbang paatras ang binata at ulo ng kasamahan ang nahampas.
"Yan ang tinatawag na 'take your own medicine.'" Natatawang bulong ni Percy ng hindi man lang gumamit ng kamao at paa si Cross para masaktan ang mga kalaban o mapatulog.
"Mahihina." Bulong ni Cross ng makitang hindi na makatayo ang mga kalaban.
"Umalis na tayo." Ani ni Cross bago lumapit kina Haru na nanlalaki ang matang nakatingin kay Cross.
Papasok na sa kotse ang binata ng may humaharurot na kotse ang bigla na lang dumating at nahagip ang side mirror ng kotse na dapat sasakyan ni Cross.
"Ow sorry, I thought basurahan yung nasa tabi ng kalsada kotse niyo pala."
Nakangising sambit ng isa sa mga estudyante ng Farell matapos ibaba ang bintana ng kotse at tingnan sina Haru na nagdidilim ang mukhang nakatingin sa kanila.
Lalapit sina Iggy ng nakayukong pinigilan ni Cross ang mga kasama.
"Bumalik na tayo sa University." Walang emosyong sambit ni Cross.
"Teka leader hahayaan na---."
Naputol ang sasabihin ni Iggy ng mag-angat ng tingin si Cross na kinaatras ng binata matapos mag-tama ang mata ng dalawa.
Nagtawanan ang mga tatlong estudyante na nakasakay sa kotse matapos nagkanya-kanyang sakay ang Redtape sa mga dalang sasakyan.
"Anong problema Lhoyd?" Tanong ng lalaking nasa passanger seat ng mapansin ang pananahimik ng binatang nasa driver seat.
"Si Cross ang pumipigil ngayon sa grupo niya nakakapanibago." Nakangising sagot ng lalaki bago paandarin ang kotse paalis.
---
Tahimik na humakbang si Cross papasok ng opisina ni Arkhon ng pagpasok nito nakita niyang nakasubsob sa lamesa ang lalaki at natutulog habang sa magkabilang bahagi nito ang isang patong na mga papel at folders.
"Hindi ka umuwi para lang tapusin ang mga ito?" Bulong ng lalaki ng makita ang mga reports at schedules na nasa lamesa na kinakailangan ng pirma niya.
Isa-isa yun niligpit ng binata, pati na din ang ilang papel na nahulog sa sahig.
"Kuya pahiram ng---."
Naputol ang sasabihin ni Alica ng pagbukas niya ng pinto nakita niya si Cross na nakaluhod at dinadampot ang mga papel sa sahig.
"Natutulog si Arkhon may kailangan ka ba?" Tanong ni Cross matapos ilagay yun sa lamesa at lapitan si Alica na bahagyang natulala at namula ng lumipat sa kanya ang lalaki.
Hindi kasi ito nakauniform at tanging longsleeve na itim at rip jeans ang suot. Mas lalong nagpaangas sa mukha ng lalaki at nagpalakas ng dating nito.
"Ahm a-ano manghihiram lang s-sana ako ng stapler naiwan ko kasi sa bahay y-yung akin. Kailangan namin para sa pag gawa ng b-banner." Ani ng dalaga.
"Tulog si Arkhon, may stapler naman ako sa bag yun na lang hiramin mo." Ani ni Cross bago naunang lumabas at sundan ni Alica na sinara muna ang pinto.
"Cross." Ani ni Alica bago hawakan ang kamay ni Cross na hindi naman umimik at kinangiti ng dalaga.
"Nasa locker yung bag ko ayos lang ba na pumunta tayo dun?" Balewalang tanong ni Cross.
"O-Oo naman kahit saan." Nakangiting sambit ni Alica matapos ihilig ang ulo sa braso ng binata na balewalang nakatingin sa nilalakaran.
"How's sweet."
"Ano kayang mangyayari pag nakalat na natin itong mga picture."
"Katapusan na ng Redtape." Dagdag ng lalaki na nakangising nakatingin sa dalawang papalayo.
"Katapusan na din ng mayabang na President ng university na ito ... damn hindi na ako makapag-antay." Natatawang sambit ng isa mga estudyanteng nasa hallway habang hinahagis sa ere ang camera at nakatingin sa dalawang tao na pababa ng hagdan.
"Magiging akin kana din Alica." Nakangising sambit ng lalaki na nasa pinakaunahan at nakatingin sa dalaga na papalayo.
"Wag kayong masyadong magmadali." Ani ng lalaking dumaan sa pinakagitna ng grupuhan at ngumisi.
"May mas maganda akong plano, hindi pwede basta na lang silang bumagak dahil kulang pa yun para sa ginawa nila sa atin ... gusto ko sila mawasak hanggang sa madurog at wala ng matira sila kahit na ano."