3rd Person's POV;
"Pinatawag ka ba ulit ni tito?" Tanong ni Arkhon habang nakatingin kay Cross na pokerface na nakatingin sa kalsada.
"At sa tingin mo pupunta ako kung ang matandang yun ang nagpatawag sakin." Walang emosyong sagot ni Cross bago tinaktak ang hawak na lalagyan nito ng mint sa bibig.
"Malaki talaga ang galit mo kay tito noh." Ani ni Arkhon ng makita ang pagdidilim sa mukha ni Cross.
Arkhon Asuncion's POV;
Madilim na ng matapos ako sa pag oorganize ng mga papers na pinadala ng Dean dito sa office para sa preparation ng school fest.
Nang maligpit ko na lahat ng gamit ko lumabas na ako ng opisina at naglakad sa hallway pababa ng hagdan.
"Saturday na bukas yung iba tamang gimik na lang, pero ako ito =_= papel at ballpen ang hawak bukas." Naiinis na bulong ko hanggang sa makalabas ako ng building.
Maya-maya napatigil ako ng mapansin na bukas pa ang ilaw ng gym.
"Andun pa din ba ang SC?" Ani ko na imbis pumunta sa parking lot tinahak ko ang daan papunta sa Gym.
"Anong ginagaw---."
Naputol ang sasabihin ko ng takpan ni Iggy ang bibig ko ng makalapit ako sa kanila na kasalukuyang nakatayo sa entrance ng gym at may pinanonood sa loob.
"Ano ba yun?" Bulong ko ng matanggal ko ang kamay ni Iggy sa bibig ko.
"Si Cross nasa loob." Bulong ni Percy na kinatingin ko sa lugar kung saan tinuro ni Percy.
Nakita ko nga dun si Cross nakasandal sa pinakababa ng stage hawak ang isang ... plawta.
Pamilyar sakin ang hawak niyang plawta.
"Pamilyar sakin yung plawta, yan yung binigay ni Tito Cadmus diba?" Ani ko bago lingunin si Haru na nakatingin din kay Cross.
"Yeah at simula ng mawala si Tita Astrid hindi ko na ulit nakitang hinawakan yan ni Cross." Sagot ni Haru.
Magtatanong sana ako ng nagsimulang hipan yun ni Cross na kinatigil ko at kinatingin sa pwesto ni Cross.
3rd Person's POV;
Natulala ang Redtape ng magsimulang tumugtog si Cross.
"Hhmm ... hmmm."
Napatingin si Haru kay Arkhon ng nakapikit na naghuhumming si Arkhon at sinasabayan ang pagtugtog ng binata sa loob.
Napangiti ang binata bago tiningnan ulit si Cross sa loob.
"Hindi ko iniexpect na ganyang instrument ang type ni Cross na tugtugin." Ani ni Iggy.
"Lahat naman ng instrument kayang gamitin ni Cross." Sagot ni Percy.
"Iba pa din yung instrument na damang-dama mo talaga ang musika pag tinugtog yun ng taong yun talaga ang gusto" ani ni Chase na kinatahimik ng dalawa.
Arkhon Asuncion's POV;
Matapos magpaalam ng Redtape humakbang ako papasok ng gym ng makita kong umupo sa sahig si Cross at parang batang sumandal sa pader habang hawak ang plawta.
"Wala pa ding kupas." Ani ko na kinaangat ng tingin ni Cross.
Punong-puno ng lungkot at sakit ang mata niya na hindi ko alam kung bakit.
"Arkhon." Bulong ni Cross matapos kong lumuhod sa harapan niya at ngumiti.
"Ano bang problema?" Tanong ko.
"Gusto kong umiyak Arkhon nalulungkot ako, namimiss ko si mama gusto kong umiyak bakit hindi ko magawa." Ani ni Cross na kinatigil ko.
"Galit ako kay papa gusto ko marinig ang mga paliwanag niya, pero---."
"Hindi mo din magawa." Putol ko na kinatahimik ni Cross.
"Cross, tao ka ... hindi lahat ng bagay kaya mong gawin at kontrolin." Ani ko bago iangat ang kamay ko at haplusin ang pisngi ni Cross.
"Natatakot ako Arkhon." Bulong ni Cross.
"Hindi ka nag-iisa Cross." Sagot ko bago niyakap si Cross ng mahigpit.
"Mananatili ako sa tabi mo kahit na anong mangyari." Ani ko.
'Kahit pa dumating sa puntong kailangan ko lahat isakripisyo para sayo.'
3rd Person's POV;
"Nice view."
"Magagamit natin ito." Nakangising sambit ng isa sa tatlong lalaki na nakatayo sa madilim na bahagi ng gym habang may hawak na camera.
Hanggang sa---.
"Holyshit."
Mutikan ng mabitawan ng lalaki ang hawak na camera ng harapan nilang makita na hinalikan ni Cross si Arkhon.
"Totoo ba nakita ko kanina?" Hindi makapaniwalang tanong ng lalaki ng makalabas sila sa gym.
"May relasyon ba sila?" Tanong pa ng isa na may hawak na camera.
"Tangna kinikilabutan ako ang school president natin at ang anak ng may-ari nitong C-lite what the heck."
"Sino kayo?" Tanong ng isa sa tatlong lalaki ng may dalawang babae na nakatayo sa harapan nila.
Napakurap ang tatlo at bahagyang natulala matapos matamaan ng liwanag nang buwan ang mukha ng dalawang babae.
"Ibigay niyo sa amin ang camera." Walang emosyong sambit ng isa sa dalawang babae na may asul na kulay ng buhok.
"H-Hindi bakit namin ito ibibig---ackkk!"
Literal na nanlaki ang mata ng dalawang lalaki ng makita nilang harapan kung pano paikutin ng babae ang hawak na patalim sa kamay at isaksak yun sa leeg ng isa sa estudyante.
"Aaaah!!"
---
"Hindi natin nakuha ang camera." Ani ng isa sa dalawang babae matapos hilahin ng may kulay asul na buhok ang patalim na nasa dibdib ng estudyanteng sinugod nila kani-kanina lang.
"Tara na." Yaya ng babae matapos mawala sa kadiliman kasunod ang isa pang dalaga matapos maghagis ng dalawang puting rosas sa katawan ng dalawang estudyante na wala ng buhay.
Makalipas ang ilang segundo may lumabas na kakaibang likido sa bulaklak at unti-unti nun tinunaw ang katawan ng dalawang lalaki.
---
"Cross out of town naman tayo, vacation." Yaya ni Alica kay Cross habang naglalakad sila palabas ng building kung saan ang last subject ni Alica na nasa ikatlong palapag."
"After ng School fest simula na din ang exam para sa 2nd sem, imbis bakasyon ang iniisip mo magreview kana lang." Ani ni Cross na kinanguso ni Alica bago niyakap ang braso ni Cross.
"Makakapasa naman ako dun Cross kahit hindi na ako magreview lagi mo kaya akong tinuturuan." Pangiti-ngiting sambit ni Alica hanggang sa mapatigil sila at ang Redtape ng huminto si Cross at tumingin sa field.
"Teka mali pagkakalagay niyo diyan baka bumagsak pag hindi niyo pa nilaliman ang pagbaon sa poste." Ani ni Arkhon habang tinutulungan ang isang section para ayusin ang booths nila.
Nakasando lang ang binata at ang longsleeve nito nakapulupot sa bewang. Hindi nag g-gym ang lalaki pero likas na dito ang kagandahan ng katawan ng binata na naging dahilan para maagaw ang pansin ng mga babaeng estudyante.
"Taon-taon ginagawa na natin ito hindi pa din kayo maayos gumawa ng booths?" May inis na sambit ni Creed na kinatili ng mga babaeng estudyante matapos bumagsak ang isang booths nang sipain yun ni Creed.
"Creed." Saway ni Arkhon matapos makita ang ginawa ng binata.
"Sina Creed at Cohen yun diba?" Ani ni Alica ng makita ang binatang nilapitan ng kapatid.
"Pinalitan nila pansamantala sina Daphne at Dallas." Sagot ni Percy.
"Gulo lang naman ang dala ng dalawang yan." Bored na sambit ni Cross bago humakbang at maglakad paalis.
"Teka lang Cross." Habol ni Alica pero hindi siya pinansin ng binata at umiba ng daan.
"Hayaan mo na muna siya Alica, mukhang hindi maganda ang mood ngayon ni Cross."
---
"Bwisit argh!"
"Alica ano nanaman bang problema?" Tanong ni Amara ng naiinis na pumasok si Alica sa cafeteria at umupo sa harap nila ni Venus.
"Si Cross kasi, iniwan nanaman ako." Ani ni Alica matapos sumubsob sa lamesa.
"Kasi naman girl lagi kang nakabuntot kay kuya Cross kaloka ka. Tapos ikaw pa talaga nag obliga kay kuya Cross na ihatid sundo ka sa room." Ani ni Amara habang umiinom ng juice.
"Duhh boyfriend ko siya Amara at anong masama dun?" Inis na sambit ni Alica na kinatinginan ni Venus at Amara.
"Honestly, Alica sa tingin ko ikaw lang ang nag-iisip na may relationship kayo ni kuya Cross." Ani ni Amara na kinatingin ni Alica.
"What do you mean by that?" Inis na sambit ni Alica na kinataas ng kamay ni Amara.
"Easy girl, kasi naman halatang hindi sayo interasado si kuya Cross, I mean mukha siyang taong bato na pinagkaitan ng emosyon pero kahit ganun kahit sino makikitaan kayo ng spark kung mahal niyo ang isa't isa."
"Tama mas mukha pa ngang magkarelasyon sina Kuya Arkhon at kuya Cross kaysa sa inyong dalawa." Ani ni Venus na kinangiwi ni Alica.
"Sa dami ng icocompare mo bakit kay kuya pa, duhh bestfriend ang dalawang---."
"Yun na ang point, para kay Cross nasa middle ka ng stranger at besfriend at yun ang nakikita namin. Walang spark alam mo yun." Putol ni Amara habang ngumunguya.
"Mabuti pa girl tigilan mo na ang katangahan mo hindi ka gust---.
*blaag!*
Napatigil si Amara at Venus ng hampasin ni Alica ang lamesa matapos tumayo.
"Hindi niyo ako naiintindihan! 'Mahal ko si Cross alam niyo yan diba.' Simula ng mga bata pa tayo gusto ko na si Cross alin dun ang hindi niyo maintindihan bakit hindi niyo ako magawang intindihin." Nangingilid ang luhang sambit ni Alica.
"Alica." Ani ni Amara matapos tumakbo palabas ni Alica at susundan siya ng dalaga nang pigilan siya ni Venus.
"Hayaan na muna natin siya."