3rd Person's POV; "Hindi namin alam kung paano namin ito ipapaliwanag kina Arkhon at Cross pag nakabalik na sila." Bulong ni Percy habang nakaupo sa pinakadulo ng upuan at nakikinig sa sermon ng pari para sa libing ni Haru. "Iggy." Ani ni Chase ng tumayo ito at umalis. Sinundan siya ni Chase at Percy hanggang sa makarating sila sa isang puno at pinugsusuntok yun ng binata. "Iggy tama na." Pigil ni Chase sa kaibigan ng makitang nagdurugo na ang kamao nito sa kasusuntok. "Sabihin mo nga Chase anong mukha ang ihaharap natin kay Cross ha? Yung dalawang taong pinakamahalaga sa kanya pareho natin hindi naprotektahan anong klase tayong mga kaibigan." Namumula ang matang sambit ni Iggy bago marahas na pinunasan ang mata at umupo sa damuhan. "Wala na si Haru si Arkhon kasalukuyang nawawala hi