3rd Person's POV; "Ano?! Sa susunod pang araw ang supply?!" Sigaw ni Cherry habang kausap ang isa sa mga doctor ni Cross. "Doc limit lang ang supply ng heart donor natin at galing pa yun sa ibang bansa kaya---." "Anong gagawin natin pag aantayin niyo ang pasyente!" Sigaw ng babae hanggang sa---. "Cherry! Si Cross!" Sigaw ni Aila mula sa loob ng kwarto na naging dahilan para nagmamadaling pumasok sa loob ang mga doctor kasama si Cherry. "Cross!" Sigaw ni Cherry ng makitang huminto nanaman ang heartbeat ng binata. "Cherry si Cross." Nag aalalang sambit ni Aila habang nakayakap kay Cherry at naiiyak na nakatingin kay Cross na pilit nirerevived ng mga doctor. "Ano na lang ang ihaharap ko kay Astrid pag may nangyari sa anak niya." Umiiyak na sambit ni Aila ng ilang segundo na ang lumipas