14

1471 Words
3rd Person's POV; "Saan ka pupunta Alica?" Tanong ni Venus kay Alica ng matapos ang klase mabilis nitong kinuha ang mga gamit sa lamesa. "Kay Cross hihi wala silang prof ngayon kaya siguradong nasa gym sila ngayon." "Ano ka ba naman Venus parang hindi kana diyan nasanay kay Alica umiikot na lang yata ang mundo niyan sa pag buntot- buntot kay Kuya Cross." Ani ni Amara. "Kala mo naman kasi magugustuhan siya ni Cross." Sabat ni Valliant na prenteng nakaupo sa likurang bahagi ng classroom. "Wag ka ngang epal Valliant hindi naman ikaw ang kausap." Singhal ni Amara. "Nagsasabi lang ng totoo si Val, hindi ka ba naaawa sa sarili mo pinagmumukha ka lang aso ni Cross." Natatawang sambit ni Dreame na kinatayo nina Amara at Daphne. "Ano ba kasing alam mo sa nararamdaman ni Alica!" Susugudin nina Amara ang kambal na Riego ng pigilan sila ni Venus. "Wag niyo ng patulan." Ani ni Venus. "Sino ka para sabihin yan? Gusto ako ni Cross." Singhal ni Alica sa kambal ni Riego na kinangiti ng dalawang babae matapos magwalk out ni Alica. "Alica!wait!" Sigaw nina Amara bago habulin si Alica papalabas ng classroom. --- "Cross!" Napatigil ang Redtape at si Cross na papalabas ng classroom ng makita si Alica na naiiyak na lumapit sa kanya at yumakap. "Anong problema?" Tanong ni Cross matapos siyang tingalain ni Alica at tingnan sa mata. "Tell me Cross gusto mo ako diba? Mahal mo ako." Nangingilid ang luhang sambit ni Alica. "Ano bang sinasabi mo Alica?" Ani ni Cross. "Sagutin mo ako Cross! Mahal ko ako diba?" Mataas ang boses na sambit ni Alica na kinabulungan ng mga kaschoolmate nila at kasalukuyang nakikusyoso sa kanila. 'Wag mong sasaktan ang kapatid ko Cross.' "Y-Yeah." Alanganing sagot ni Cross makalipas ang ilang segundo na kinaliwanag ng mukha ng babae. "Sabi na mahal mo ako, mahal din kita Cross!" Tuwang tuwa na sambit ni Alica bago tumingkayad at hinalikan sa labi si Cross. At yun ang scenerio na natagpuan ni Arkhon ng mapunta siya sa palapag ng classroom nina Cross. Nagtama ang mata nila ni Cross kaya bahagyang naitulak ni Cross si Alica ng makita niya si Arkhon. Hindi alam ni Cross kung anong irereact niya ng nakapamulsahang lumapit sa kanila si Arkhon. "Arkh---." "PDA? Sa loob ng C-lite?" Mahinahong sambit ni Arkhon matapos tingnan si Alica na agad sumimangot ng makita ang kapatid. "Kuya kahit kailan panira ka anyway kuya hihi, umamin sakin si Cross mahal niya ako at kami na." Nakangiting sambit ni Alica bago niyakap ang braso ni Cross na mabilis na umiwas ng tingin. "Then congrats minsan dalhin mo siya sa bahay para makapag celebrate tayo." Ani ni Arkhon na kinabato ni Cross sa kinatatayuan. Titingnan niya si Arkhon ng saktong pag-angat nito ng tingin lumampas na sa pwesto nila ang lalaki. "Kyahh Cross okay na kay kuya." Tuwang-tuwa na sambit ni Alica matapos yakapin si Cross na ngayon ay mukhang nawala sa sarili. -- "Natatakot ba si Leader kay Arkhon parang nawalan ng kulay kanina si Cross nung makita si President." Ani ni Chase. "Oo nga eh pero siguro dahil dun sa ginawang girlfriend ni Cross si Alica, diba overprotective si President sa kapatid niya." Ani ni Iggy. "Oy Haru sa tingin mo bakit ganun yung reaction ni Cross ng makita si President?" Tanong ni Iggy. "Iniisip niyang magseselos si Arkhon." Wala sa sariling sagot ni Haru matapos maibaba ang baraha. *shreek* "Holyshit." Mura ni Percy ng mabitawan ang hawak na baso at kinagising ng diwa ni Haru. Huli na ng marealize ni Haru ang sinagot niya. "Ano hindi yun ang---." "What the heck!" Putol ni Iggy na napatayo sa kinauupuan bago tininingnan sina Haru. "Wag mong sabihing may gusto si Arkhon--- f**k! Hindi pwede yun." Ani ni Iggy. "Teka kaibigan pa din naman natin si Cross kahit---." "Blood related sina Arkhon at Alica for petes sake iba lang ama nila pero magkadugo sila!" Pasigaw na sambit ni Iggy na muntikan ng ikatumba ni Haru sa kinauupuan. "Great.=_=" bulong ni Percy ng marinig ang sinabi ni Iggy. --- Tahimik ang buong kwarto, madilim at walang ilaw. Tanging tunog lang ng orasan at tunog ng lata na binubuksan ang naririnig sa loob ng kwarto. "Damn." Mura ng lalaking nasa loob ng kwarto bago ibato ang pang-siyam na lata ng beer matapos ito maubusan ng laman. Dahan-dahan tumayo ang lalaki at kahit nahihilo pinilit nitong lumapit sa pintuan ng kwarto para buksan at lumabas. *blaag* Bumagsak ang lampshade at ilang patong ng libro sa lamesa matapos yun masagi ng binata. Pero hindi yun pinansin ng lalaki at patuloy na lumapit sa pinto at ng maabot niya ang doorknob. Binuksan niya yun at bahagya siyang napatigil ng makita si Cross na nakatayo sa pinto. "Anong ginagawa mo dito?" Walang buhay na tanong ni Arkhon matapos lampasan si Cross at pumasok sa kusina ng penthouse na niregalo sa kanya ng mommy niya ng mag 18th birthday ito. "Buong araw kita hinanap Arkhon matapos mong umalis sa Campus." Ani ni Cross bago humakbang at sundan si Arkhon na naglalabas ng mga beer sa ref. "Kailan ka pa natutong uminom?" Tanong ni Cross at hahawakan niya ang mga beer na nasa lamesa ng tabigin yun ni Arkhon at tingnan siya ng masama na kinatigil ni Cross. "Wag mo akong pakialaman umalis kana dito." Walang emosyong sambit ni Arkhon at aalis ito para dalhin ang mga lata ng beer ng---. "Ganun na lang yun Arkhon?" Bulong ni Cross. "Pagkatapos ng lahat? Ano bang problema Arkhon pwede ba sabihin mo na para aware ak---." "Umalis kana Cross." Ulit ni Arkhon na kinakuyom ng kamao ng binata. "Arkhon!" Sigaw ni Cross. *blaaag!* Sinuntok ni Cross si Arkhon dahilan para bumagsak ito sa sahig at mapahiga. Nagkalat sa sahig ang alak at susuntukin ulit ni Cross si Arkhon matapos nito patungan at hawakan sa kwelyo ng---. "Bakit Arkhon?" Tanong ni Cross na kinatigil bahagya ni Arkhon ng mangilid ang luha ni Cross at nagsimula na itong umiyak. "Bakit lahat na lang ng gawin ko nagagalit ka? Hindi ko alam kung saan ako lulugar sa inyo ni Alica. Napapagod na ako mag adjust Arkhon." Ani ni Cross matapos ibaba ang kamao at yumuko habang nakaupo pa din ito sa tiyan ng binata. "Cross." Bulong ni Arkhon matapos iangat ang kamay at punasan ang pisngi ng binata. "S-Sorry, a-alam ko naman na ginawa m-mo yun dahil nag p-promise ka pero hindi ko pa din maiwasang m-magselos k-kahit kapatid ko pa yun." Ani ni Arkhon bago pinilit na umupo at yakapin ang binata. Arkhon Asuncion's POV; "Arkhon." Bulong ni Cross matapos ko siyang bigyan ng munting mga halik sa mukha pababa sa labi. "Akin ka lang Cross." Bulong ko ng magtama ang mata namin. Hindi sumagot si Cross pero tumango siya at siniil ako ng malalim na halik. Sapat na yun para makampante ako na mananatili siyang akin. Bahagyang napapitlag si Cross ng ibaba ko ang halik ko papunta sa leeg at pababa sa dibdib niya matapos kong buksan ang botones ng uniform ni Cross. Tataggalin ko na ang belt ni Cross ng---. *riiing* Napaismid ako ng mapabangon si Cross sa kama at abutin ang phone nito sa study table. 'Sino naman kaya ang istorbong tumawag?' Nakita kong napalitan ng inis ang mukha ni Cross ng sagutin nito ang tumawag at mukhang ang Red ta---." "What is it Alica?" Hind ko maiwasang matawa dahil medyo nagbago ang boses niya matapos ko siyang mapaiyak kanina. "No." Ani ni Cross bago ako tiningnan at mag gesture na lumapit ako. Dahil sa masunurin ako at ayokong madagdagan ang bukol ko dahil sa ginawa ni Cross kanina lumapit ako. Akala ko ipapakausap niya sakin si Alica pero imbis na iabot sakin ang phone hinila niya ang ulo ko at siniil ako ng halik na kinamura ko sa isipan ko dahil naririnig ko ang pag-kwento ni Alica sa kabilang linya malapit sa tenga ni Cross. ["Siguradong matutuwa si mommy pag-nalaman niyang tayo na."] Ani ni Alica sa kabilang linya na kinatigil ko sa paghalik kay Cross. "Yeah." Sagot ni Cross na kinatingin ko. "Bukas na lang ulit tayo mag-usap Alica inaantok na ako goodnight." Paalam ni Cross habang hindi inaalis ang pagkakatingin sakin. ["A-Ano goodnyt Cross, I-I---."] "Anong tinitingnan mo?" Tanong ni Cross matapos niyang kalasin ang phone niya at tinapon sa sofa. "May sasabihin yata sayo si Alica pinatay---." Naputol ang sasabihin ko ng halikan niya ako ulit at patungan. "Like? I love you? Yun ba?" Tanong ni Cross na parang wala lang. "Sa isang tao ko lang gusto marinig yun at hindi yun sa kanya." Bulong ni Cross na kinangisi ko ng umiwas siya ng tingin. "Ano Cross? May sinasabi ka?" Tanong ko kahit narinig ko naman. 'Gusto ko lang ulit marinig.' Hindi ko maiwasang matawa ng gumusot ang mukha ni Cross at tingnan ako ng masama. "Go to hell."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD