13

1218 Words
3rd Person's POV; "Kakain tayo dito?" Ulit ni Arkhon ng huminto sila sa isang karinderya sa gilid ng kalsada. "Cross pwede tayo magpadelive---." "Nagugutom na ako okay? Kagabi pa talaga ako hindi nakain." Gusot ang mukhang sagot ni Cross bago lumapit sa isang ginang at dalagitang may ari ng karinderya. Napabuga ng hangin si Arkhon at sinara ang pintuan ng kotse bago sinundan si Cross na halos hubadan na sa tingin ng mga babae at mga baklang kasalukuyang dumadaan at kumakain sa karinderya. "Matagal pa ba yan?" Tanong ng binata matapos ipulupot ng binata ang braso niya sa bewang ng lalaki na kinatingin ni Cross. 'Gosh.' 'Magboyfriend ba sila?' 'Aww sayang.' 'Ang gwapo nung guy.' 'Gaga pareho silang lalaki.' 'Yak.' Tatanggalin ni Cross ang pagkakahawak ng binata ng mas hapitin pa yun ng lalaki at bumulong. "Pag inalis mo ang kamay ko hahalikan kita ... dito mismo." Natatawang banta ng lalaki dahilan para bahagyang tumingala ang binata at tingnan ng masama si Arkhon. "Mga pogi ito na yung order niyo." Pangiti-ngiting sambit ng ginang. "Salamat manang." Ani ni Cross bago kinuha ang mga yun at agad naman siyang tinulungan ni Arkhon. Pagkatapos ilagay nina Cross at Arkhon ang mga pagkain sa lamesa, sabay na umupo ang dalawa na kinatawa ni Arkhon ng mahina ng makitang agad nilantakan ni Cross ang mga pagkain. Dahil sa hindi naman ganun kagutom si Arkhon konti lang ang kinain nito at tanging ulam lang ang kinain. "Umalis ka nga dito ang baho mo." "Pagkain lang po, konting pagkain lang." Ani ng batang nasa limang taong gulang. Sobrang dumi ng bata at punit-punit ang damit. Nakatingin lang ang binatang si Arkhon hanggang sa tumayo ito dala ang sariling pagkain. "Oy bata." Tawag ni Arkhon sa batang babae. "Halika dito sayo na ito." Nakangiting sambit ni Arkhon na kinakinang ng mata ng batang babae bago mabilis na lumapit sa binata at kinuha ang tray. Umupo sa edge ng kalsada ang batang babae at kakainin nito ang mga pagkain na binigay ng lalaki ng---. "Arkhon dito mo pakainin yung bata wag diyan." Napatingin ang lalaki ng tawagin siya ni Cross. "Sigurado ka?" Tanong ni Arkhon na kinataas ng kilay ng binata. "Ito na nga, psst bata tabi daw kayo nung pogi na nasa lamesa." Ani ng binata na kinatingin ng batang babae na punong-puno ang bibig. "Tara na dun ka daw sa lamesa." Ani ni Arkhon bago tulungan ang bata na tumayo at dalhin yung tray. "Ang gwapo naman po niyong dalawa mga artista po ba kayo?" Tanong ng batang babae na kinangiti ni Arkhon habang si Cross ay nanatiling nakatingin sa batang babae. "Hindi kami artista, kumain kana." Nakangiting sambit ni Arkhon na agad kinatango ng batang babae bago ulit kumain. "Ito pa ubusin mo yan." Ani ni Cross bago itulak ang isa pang tray na may pagkain. "Wow ang dami po marami pong salamat." Nakangiting sambit ng batang babae hanggang sa mapatigil ito at tingnan ang mga pagkain. "Anong problema? Kulang pa ba? Gusto mo kumuha---." "Hindi naman po." Putol ng bata kay Arkhon. "Pwede ko po bang dalhin lahat ng ito ... gusto ko po kasi bigyan ang mga kapatid at nanay ko nito ... siguradong matutuwa sila pag nakakita din po sila ng madaming pagkain at makakain." Ani ng batang babae. "Ubusin mo ng lahat ng yan bata at mamaya magpapatake out kami ng mga pagkain para madala mo pag-uwi." Ani ni Cross na kinatingin ni Arkhon. "Naku po maraming salamat." Naiiyak na sambit ng batang babae na kinangiti ni Arkhon. -- "Kuya maraming salamat!" Sigaw ng batang babae habang dala-dala ang madaming plastic na naglalaman ng mga ulam at kanin. Binili kasi lahat ni Cross ang paninda sa karinderya at binigay sa bata. "Kanina ka pa ngiti ng ngiti Arkhon baka mahipan ka ng masamang hangin." Ani ni Cross na kinatawa ni Arkhon bago akbayan ang binata. "Kasi nakita ko ulit ang soft side mo na yun, akala ko talaga nagbago kana I mean matagal ng masama ang ugali mo pero yung-- f**k!" Mura ng binata ng suntukin siya sa sikmura ng lalaki. "Tss gago." Ani ni Cross bago naunang naglakad pabalik sa kotse. "Oy teka lang ... bigat talaga ng kamay mo." ani ni Arkhon matapos lumapit sa kotse at umikot papunta sa driver seat. "Masakit?" Tanong ni Cross ng makasakay si Arkhon sa driver seat at maisara ang pintuan. "Alin?" Tanong ni Arkhon na kinabuga ng hangin ni Cross bago tinanggal ang seatbelt at umungklo sa harap ni Arkhon. Napakurap si Arkhon na bahagyang nagulat ng halikan siya ni Cross. Hindi umimik si Cross bago bumalik sa kinauupuan at kinabit ulit ang seatbelt. "Wait nagsosorry ka ba?" Tanong ni Arkhon na kinagusot ng mukha ng binata. "Kung ganun ka naman pala magsorry kahit minu-minuto mo ako suntukin okay lang." Natatawang biro ni Arkhon matapos lingunin si Cross na bahagyang humarap sa bintana at pinipigilang mapangiti. "Ang dami mong alam paandarin mo na ang kotse, sa campus na tayo tumuloy." Ani ni Cross. Arkhon Asuncion's POV; "Cross!" Napatigil kami pareho ni Cross ng salubungin kami ni Alica. "Alam mo ba nag-alala ako sayo? Ano bang nangyari bigla kana lang daw umalis ng campus." Ani ni Alica. Hindi ko maiwasang maguilty tuwing nakikita ko si Alica to the point na nagdadalawang isip ako sa feelings ko o sa relationship namin ng kapatid ko. "Ayos lang ako Alica." Walang buhay na sagot ni Cross matapos tanggalin ang pagkakahawak ni Alica sa braso niya at umalis. "Alam mo ba nagseselos na talaga ako, andito ang kapatid mo pero inuna mo pang lapitan ang kaibigan niya." Pabirong sambit ko na kinanguso ni Alica. "Kuya naman magkapatid tayo syempre nag-aalala din ako sayo but duuh kuya ikaw si Arkhon Asuncion lahat kaya mong gawin." Ani ni Alica na kinagusot ng mukha ko matapos niyang yakapin ang braso ko. "Eh anong tingin mo kay Cross hindi kaya maging independent? Batang 7 years old na dapat lagi mong icheck minu-minuto?" Hirit ko matapos kurutin ang ilong ng kapatid ko. "Kuya, future husband ko si Cross anong masama kung alagaan ko siya?" "Ang pagbuntot sa kanya 24 hours ay sobra pa sa word na alaga." Ani ko matapos ko matawa na kinasimangot ng kapatid ko. "Masama bang matakot na baka may umagaw kay Cross kuya." Ani ni Alica na kinatingin ko. "Alica maganda ka kahit sinong lalaki imposibleng matanggihan---." "Except kay Cross na 42× ako nireject." Putol ni Alica bago sumimangot at naiinis na umismid sakin. "Alica bata pa kasi kayo ni Cross, please don't take it seriously para hindi ka nasasaktan." Ani ko. "Nyenye kuya whatever si Cross pa din gusto ko." Sagot ni Alica bago ako hinalikan sa pisngi at umalis kasunod sina Daphne. "I just wondering kung anong irereact ni Alica kung malaman niyang ikaw ang gusto ni Cross." Napalingon ako ng may magsalita sa likuran ko at nakita ko si---. "Haru." Bulong ko na kinangisi niya. "Don't worry, wala akong balak sirain ang relasyon niyong magkapatid. Wag na wag mo lang sasaktan si Cross kung ayaw mong ang buhay mo mismo ang sirain ko." Ani ni Haru na sa isang iglap nagbago ang expression niya at lampasan ako. "Tsk kahit hindi mo sabihin wala akong balak." Malamig na sambit ko. "Let's see." Sagot ni Haru bago itaas ang kaliwang kamay at maglakad palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD