3rd Person's POV;
"Cross saan ka pupunta?" Tanong ni Iggy ng masalubong niya si Cross na may dalang camera.
"Pahiram ng kotse." Ani ni Iggy na kinatinginan nila ni Chase.
"Here, use my car." Ani ni Chase matapos iabot ang susi ng sariling kotse.
Mabilis yun na kinuha ni Cross at naglakad paalis.
Cross Acosta's POV;
Hininto ko ang kotse hindi kalayuan sa tulay at bumaba.
Napapikit ako ng bahagya ng maramdaman ko ang mahinang paghampas ng hangin sa aking pisngi at katawan.
"Ang ganda pa din dito." Bulong ko ng makita ang napakahabang tulay.
May kadumihan na ang lugar pero wala pa ding nagbago.
Mahangin, tahimik at sobrang liwanag.
'Bata wag kang tatalon!'
Napangiti ako ng konti ng makita ko ang sarili ko na nakatayo sa harang na bato ng tulay at ang batang si Arkhon na namumutlang nakatingin sa batang ako.
FLASHBACK
"Ang tahimik." Bulong ko habang nakapikit at dinadama ang hangin.
Hanggang sa isa-isang pumasok ang mga bagay na tanong sa utak ko.
Busy ako sa pakikiramdam sa hangin ng---.
"Bata wag kang tatalon!"
"Teka bata balak mo ba tumalon diyan!"
Napamulat ako at napalingon sa batang sumigaw.
Itim na itim ang may kahabaan nitong buhok at puno ng emosyon ang mga mata niya.
'Siguradong masayahin siyang bata.=_='
"Sino naman sa tingin mo ang magpapakamatay?" Balik na tanong ko na kinakurap ng mata niya.
Mukhang natulala siya sakin base sa pag galaw ng mata niya at pag ayos ng tayo.
"I-Ikaw malamang! Bakit ka ba kasi andyan?" Tanong ng bata.
Pinagmasdan ko siya ng ilang minuto habang inaalala kung saan ko siya nakita.
"Wait ikaw yung sikat sa Campus, ikaw si Cross Acosta ... kaschoolmate mo ako at kaseatmate." Ani ng batang lalaki.
Seatmate? Great=_= siya yung katabi ko na hindi nawawalan ng kausap at laging may kabuntot.
"Umalis kana istorbo ka." Ani ko bago siya talikuran ulit ng---.
"Teka! Tatalon ka pa din ba? Bumaba ka---."
"Aaah!"
Napasigaw kami pareho ng mapapitlag ako ng hawakan niya ang paa ko.
Mahuhulog ako ng mahila niya ako at ito pareho kaming bumagsak sa sahig at ako? Nakapatong sa sa kanya.
'Great.=_='
"Aray ko naman ang sakit." Reklamo nung bata na sumalo sakin at naiiyak na umupo habang hinihimas ang likod ng ulo niya.
"Ano iiyak ka? Para kang bakla." Maangas na sambit ko bago tumayo na kinatingin niya ng masama sakin.
"Ako bakla? Ikaw na nga niligtas ikaw pa gumanyan ang sama ng ugali mo ang sakit." Napairap ako sa kawalan at naglakad paalis.
"Hoy saan ka pupunta?!"
"Sumunod ka sakin ang panget mo umiyak dadalhin kita sa bahay papagamot natin yan sa mama ko." Bored na sagot ko.
"Anong pangalan mo? Ako si Arkhon!" Sigaw nung batang lalaki matapos akong habulin.
"Nabanggit mo na pangalan ko kanina magtatanong ka pa." Naiinis na sagot ko.
"Gusto ko kasi magpakilala ulit, formal ganun para sa bago kong kaibigan." Ani ng batang nangagangalang Arkhon.
"Friendshit? Nah hindi kita kaibigan."
END OF THE FLASHBACK.
"Balak mo bang magpakamatay bata?"
Napalingon ako sa ibabang bahagi ng tulay ng makita ko si---.
"Arkhon." Bulong ko ng makita ko siya.
Gulo-gulo ang buhok nito at katulad ng dati.
Hindi ko pa din maiwasang maamaze sa mga emotion na nakikita ko sa mga mata niya.
"Pinagdrive mo ako ng 6 hours para lang panoorin ka magpakamatay?" Flat na tanong ni Arkhon.
Hindi ako umimik hanggang sa mapatingin ulit ako sa malawak na dagat at makita ang unti-unting pag lubog ng araw.
"Cross bumaba ka diyan, tinatakot mo ako sa tuwing nakikita kitang umaakyat diyan" ani ni Arkhon na kinatawa ko ng mahina bago lingunin si Arkhon na pinulupot ang mga braso niya sa bewang ko.
Bumaba ako sa bato na kinatatayuan ko kanina at si Arkhon na nakapulupot pa din ang braso sa bewang ko.
Lalayo si Arkhon ng hawakan ko ang braso niya.
"Kahit ngayon lang Arkhon isipin mong tayong dalawa lang dito, hindi ako isang Acosta isa lang akong normal na tao na may gusto sayo. Now tell me gusto mo ba ako?" Ani ko bago iangat ang tingin ko kay Arkhon.
Sobrang dilim dito kaya hindi ko siya gaanong maaninag pero sapat na siguro ang liwanag na nanggagaling sa mga bituin at buwan para makita ang pagkislap ng mata ni Arkhon.
"Kahit pag balik-baliktarin mo ang mundo isa ka pa ding Acosta." Sagot ni Arkhon dahilan para bitawan ko siya at umiwas ng tingin.
"Alam mo ba bakit dito kita pinapunta?" Ani ko bago tumalikod at tingnan ang kalangitan.
"Kasi dito ko nararamdaman na malaya ako, ganitong mundo ang gusto ko puntahan ... tahimik, simple at malaya."
"Alam mo ba kung bakit ako umalis sa palasyo? Mas pinili kong lumayo at iwan si daddy."
"Arkhon hindi pa ako handa, natatakot akong magkamali at makagulo sa pamilya. Duwag ako natatakot akong sumubok ng mga bagay na hindi ko alam kung mali o tama."
"Kaya nga ako nandito Cross diba?" Ani ni Arkhon na kinalingon ko.
"Hindi ka nag-iisa, andito ako para samahan ka." Dagdag ni Arkhon bago bahagyang ngumiti at sapuin ang pisngi ko.
"Nagulat ako ng sabihin mo na natatakot ka, sa unang pagkakataon inamin mong may kinakatakutan ka ... mas lalo tuloy kitang minahal."
Napatigil ako sa huling salita na sinabi ni Arkhon.
"Honestly, wala akong idea sa maaaring mangyari sa atin sa hinaharap ... pero mas natatakot yata akong isipin na mapupunta ka sa iba kaysa sa katotohanang sa huli hindi din naman tayo pwede magsama." Dagdag ni Arkhon na kinalakas ng pintig ng puso ko.
"Wala akong idea sa maaaring mangyari sa ating dalawa, pero Cross ito tatandaan mo. Hinding hindi ka mag iisa hangga't kailangan mo ako mananatili ako sa tabi. Hindi kita iiwan kahit na anong mangyari."
"A-Arkhon." Ngumiti siya bago ako siniil ng halik at ikulong sa mga bisig niya.
3rd Person's POV;
"Hmm." Ungol ng binatang si Cross bago minulat ang mga mata at bumangon.
"Arkhon." Tawag ni Cross habang hawak ang ulo.
Hanggang sa gumalaw ang nasa ilalim ng comforter at lumabas dun ang binata na sumubsob din agad sa kama.
"Tanghali na gumising kana diyan Arkhon." Ani ni Cross bago bumaba sa kama na hindi man lang alintana na wala siyang suot na kahit na ano.
Napasipol si Arkhon at agad na natawa ng mapalingon sa kanya si Cross at tinaas ang middle finger ng makita ang lalaki na nakatingin sa pang-upo niya.
Nang makapasok ang binata sa bathroom umupo na ang binata sa kama at dinampot ang phone niya sa study table.
46 message from Princess
4 message from Vandatt
13 message from Sawyer
20 missed call from Princess
2 missed call from Vandatt
"Anong problema ng mga ito?" Bulong ng binata.
Idadial nito ang phone number ng kapatid ng---.
["Kuya!!"]
Napangiwi ang binata matapos ilayo ang phone ng sumigaw ang kapatid.
["Gosh kuya! Nag aalala na kami sayo ni mommy bigla kana lang umalis ng mansyon ng walang paalam."]
"Sorry princess may biglaang emergency lang." Sagot ng binata bago pinulot ang towel na nadampot sa sofa at pinulupot sa bewang.
["Pumunta din dito yung mga barkada ni Cross hinahanap siya nina kuya Haru magkasama ba kayong dalawa?"] Tanong ni Alica na kinatahimik ng binata ng ilang segundo.
"Ahh oo kasama ko yun nga ang emergency, pumunta kasi kami sa dating bahay ni tita Astrid." Sagot ni Arkhon na totoo naman.
["Madaya ako girlfriend bakit ikaw kasama."]
Natawa ang binata at bahagyang napailing.
"Hindi naman ikaw ang bestfriend at wag kang assuming hindi ka pa girlfriend, oo nga pala pag hindi ka nakapasok sa rank 10 isusumbong kita kay mama na hinalikan mo si Cross." Ani ng binata na parang nang-aasar.
["Kuya!"]
Natatawang pinatay ng binata ang tawag matapos sumigaw ang kapatid at marinig sa background ang ina.