11

1374 Words
3rd Person's POV; "s**t!" Mura ni Cross ng maibalya siya ni Arkhon sa pader sa gilid ng pintuan ng bathroom matapos siyang hilahin ng lalaki. "Ano bang problema mo?!" Bulyaw ni Cross na halos mamula sa sobrang galit dahil nasaktan siya sa ginawa ng lalaki. "Anong problema ko?ito!" Napatigil ang lalaki ng marahas siyang hinalikan ng binata dahilan para malasahan ang sarili niyang dugo sa labi. Dahil sa inis malakas nito sinuntok ang binata dahilan para bumagsak sa sahig si Arkhon na kinatigil ni Cross dahil huli na narealize niyang hindi niya napigilan ang sariling lakas. Hahakbang ito ng dinura ni Arkhon ang dugo na namuo sa bibig at natatawang pinunasan ang labi. "Ano bang kinagagalit ko? Lalaki ka." Bulong ni Arkhon bago tumayo at tingnan si Cross na may hindi maintindihan na expression. "At babae si Alica." Dagdag ng binata bago tumalikod at humakbang palabas ng kwarto. Hindi nakagalaw si Cross at hanggang ngayon nag sisink in pa din ang nangyari kanina. Napatingin siya sa sariling kamay hanggang sa magdilim ang mukha ng binata at paulit ulit na sinuntok ang pader. Hindi nito ininda ang sakit hanggang sa maramdam nito ang panghihina ng tuhod ng parang sirang plaka nagrereplay ang ginawa niyang pagsuntok sa lalaki at ang sakit sa expression ni Arkhon. "Damn." Mura ni Cross matapos mapaluhod sa sahig at naiinis na inuntog ang sarili sa pader. --- "Anong nangyari sa kamay mo Cross?" Tanong ni Haru ng makita ang nakabendang kamay ni Cross. "Wala ito." Walang buhay na sagot ni Cross matapos ibagsak ang gamit sa upuan at umupo. "Anong wala? Dumudugo ang kamay mo leader." Komento ni Percy na napatayo sa kinauupuan ng makita ang pagdurogo ng kamay ng binata. "Iggy manghiram kayo ng first aid kit sa clinic." Utos ni Haru na agad sinunod ni Iggy at Chase. Hindi sila pinansin ni Cross na nanatiling nakasandal sa kinauupuan at nakatingin sa kisame. Ang ilang estudyante sa loob ng classroom isa-isang lumabas dahil nakikita nilang hindi maganda ang mood ng lalaki. "Sa labas muna ako." Paalam ni Percy bago naglakad paalis at isinara ang pinto. "Si Arkhon ba?" Ani ni Haru na kinabago ng expression ng binata. "Nasaktan ko siya Haru." Bulong ni Cross matapos itaas ang kamay na may benda. "Nagulat din ako sa nangyari." Dagdag ni Cross na kinailing ni Haru bago nakapamulsahang lumapit sa binata. "Hindi nanaman ba kayo nagkaintindihan?" Tanong ni Haru. "Palagi naman diba? Hindi namin mabasa ang isa't isa kahit palagi kami magkasama." "Para pa din kaming hindi magkakilala kahit simula pagkabata magkasama na kaming dalawa." Ani ni Cross na kinabago ng expression ni Haru. "Hindi na ako nagtataka Cross kung bakit hindi kayo magkaintindihan." Ani ni Haru. "Pano kayo magkakaintindihang dalawa kung kahit mga sarili niyo hindi niyo maintindihan." "Cross iniisip ni Arkhon ang alam niyang makakabuti sayo. Alam niyang gusto mo siya pero ang tanong maiintindihan ba yun ng iba?" Ani ni Haru na kinatingin ni Cross. "Isa kang Acosta and in future ang eskwelahan na ito, ang buong C-lite ... isa lang ito sa maliit na parte ng mundong haharapin mo sa hinaharap. Succesor ka at nasa sinapupunan ka pa lang ni Tita Astrid may daan ng nakalaan para sayo at alam kong alam yun ni Arkhon." Hindi umimik si Cross bago tumayo at lalampasan nito si Haru ng---. "Salamat ... Haru." Bulong ni Cross bago tuluyang maglakad paalis. Lumipas ang ilang minuto bumuga ng hangin si Haru at---. "Hindi ka din martyr noh?" Sarcastic na komento ni Percy na kinalingon ng binata. "What do you mean?" Pag maang-maangan ni Haru na kinailing ng binata. "Kahit hindi mo sabihin may something sa inyong tatlo nina Cross at halata naman na may gusto ka kay leader." Ani ni Percy na kinatahimik ni Haru. "Hindi ka nakareact ibig sabihin totoo?" Ani ni Percy. "Tapos nagawa mo pang mag advice ... sira ulo ka din naman." Dagdag ng binata na kinailing ni Haru bago lumapit kay Percy at tapikin ang balikat ng lalaki. "Mag bigay man ako ng advice o hindi ... hindi pa din naman ako magugustuhan ni Cross." Ani ni Haru bago lampasan ang lalaki. Cross Acosta's POV; 'Ano bang kinagagalit ko? Lalaki ka ... at babae si Alica.' Kaya ba lagi niyang nirereason sina tita at hindi sinasagot ang tanong ko dahil inaalala niya ang image ng pamilya ko at ang katayuan naming dalawa? 'Gusto kong umasa, dahil kung yun lang naman ang problema ... handa akong talikuran ang pagiging Acosta para sa kanya.' "Arkhon." Tawag ko matapos buksan ang pintuan ng opisina ni Arkhon. Walang tao, nilibot ko ang paningin ko sa opisina ni Arkhon hanggang sa mapako ang paningin ko sa ibabaw ng lamesa. 3rd Person's POV; "Arkhon." Ani ni Aila ng makita ang anak na tuloy-tuloy pumasok sa kwarto. Nakaupo ang ginang sa gilid ng kama tatayo ito ng umupo ang binata sa sahig at hinilig ang ulo niya sa mga hita ng ginang at yumakap sa ina. "Arkhon anong nangyari anak?" Tanong ni Aila at hindi maiwasang makaramdam ng kaba matapos umiling ng anak at mas humigpit sa yakap ng ina. "Arkhon anak nag aalalala na sayo si mama anong problema?" Hindi umimik ang binata hanggang sa maramdaman ng ginang ang pagsubsob ng anak sa sinapupunan niya at pagkabasa ng damit na suot. "Arkhon ano bang problema?" Tanong ng ina ng mapansing umiiyak ang panganay. Napatingin ang ginang sa pinto ng bumukas yun at makita ang asawa na napako ang tingin kay Arkhon. Hindi nagsalita si Alcide at bahagyang ngumiti sa asawa bago dahan- dahang isinara ulit ang pinto. "Mama ang bigat ng nararamdaman ko, nasasaktan ako mama." Parang batang sumbong ni Arkhon na kinagilid ng luha ng ginang ng makita ang pagsusumbong ng anak. "Mama bakit ang hirap hirap maging masaya." Umiiyak na sambit ni Arkhon. "Si Cross ba?" Ani ng ginang na kinatingin ng anak. Yung sakit sa mata ng binata napalitan ng takot ng makasalubong ang mata ng ina. "Shh baby boy naiintindihan ko, naiintindihan kita anak." Sansala ng ina ng makita ang takot sa mata ng anak. Ngumiti ang ginang bago marahang hinaplos ang pisngi ng anak. "Ina mo ako Arkhon ... hindi ka man magsalita alam ko at nakikita ko kung gaano mo kagusto si Cross ... kasi anak nakikita ko sayo kung sa paano mo tingnan si Cross ... parehong pareho ng pagtingin sakin ng papa Alcide mo." "Wala akong maiaadvice sayo anak kung hindi gawin mo kung anong alam mong tama." Ani ng ginang na kinayuko ni Arkhon bago humilig sa ina. "Hayaan si Cross at Alica?" Tanong ni Arkhon na may lungkot ang boses. "Yun ba ang sa tingin mo ang tama o tama dahil yun ang sinasabi ng iba." Ani ni Aila na kinatingin ni Arkhon. "Pag ba sinabi namin ng daddy mo na manok ka kahit alam mong tao ka, magpapakilala kang manok dahil sinabi naming dalawa?" Tanong ni Aila na kinatigil ng binata bago natatawang humilig ulit sa ina. "Naiintindihan ko na mama." Sagot ng binata bago pumikit ng maramdaman ang paghaplos ng ginang sa buhok niya. -- "Honey." Ani ni Alcide na kinangiti ni Aila. "Ang bilis ng panahon Alcide, binata na ang anak natin." Ani ng ginang habang nakatingin kay Arkhon na natutulog sa kama ng mag asawa. "Sana hinayaan mo na lang Aila,pina-aasa mo lang ang anak natin sa wal---." "Alcide bilang ina masakit sa akin ang makita kong umiiyak ang anak ko." Putol ng ginang na kinabuga ng hangin ng lalaki. "Aila isipin mo na lang sina Astrid at Cadmus, hindi ganun kadaling iwasan o pigilan ang mga bagay na matagal na sayong nakatadhana." "Puso na ang usapan dito Alcide." Nakangiting sambit ni Aila bago nilingon ang asawa. "Kung may bagay man na hindi mababago ng tadhana yun ay ang nilalaman ng puso ng tao." Dagdag ng babae. "Yun ang pinatunayan nina Astrid at Cadmus. Sa sobrang tibay nila walang panahon,distansya o oras ang nakakapag hiwalay sa kanila ... at yun ang bagay na gusto kong mapatunayan din nina Cross at Arkhon. Yun ang kaisa isang bagay na gusto kong maintindihan ni Cross." "Aila." Ani ni Alcide na kinangiti ng dalaga bago sinara ang pinto at lapitan ng asawa. "Let's go Alcide." Ani ng ginang bago hawakan ang asawa at naglakad paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD