Kasalukuyan akong nakaupo sa hapag sa kusina habang hinihintay ang mag-ama ko na bumaba. It’s just six in the morning and I have actually decided to wake up early and cook breakfast for all of us. Sa tingin ko ay mas maganda kung maaga kaming aalis dahil natatakot ako na baka abutin kami ng traffic sa biyahe. Nagising din naman ng maaga si Sara dahil pareho pala kami ng iniisip pero sinabi ko sa kanyang ako na ang maghahanda ng agahan at ihanda na lang niya ang mga kailangan niyang dalhin. Last night, I checked Chart’s things that he packed the other day, halos nailulan naman niya lahat sa bag niya pero may mga iilan lang siyang bagay na nakalimutan kaya ako na ang tumapos. “Good morning, Mommy.” Kahit na mukhang inaantok pa ay malawak ang ngiting pagbati sa akin ni Chart, halata sa kan