Masyado akong namangha sa nakita nang mapansing malapit na kami. Sa katunayan ay hindi ito ang unang beses na nakapunta ako sa isang beach resort, pero sa tagal na panahong hindi ako nakabalik ay parang ito pa rin ang una. Halos mag-a-alas siete ng umaga nang umalis kami sa bahay at ngayon ay mag-a-ala una na. I think a five to six hours drive is not that bad. Hindi naman pala sobrang layo mula Tarlac. Kung tutuusin, ang sabi ni Chase, kung hindi kami nagkaroon ng ilang beses na stop over ay mas maaga kaming nakarating. We even planned to have a lunch first but when we asked the boys and Sara, they told us that they are still full with all the snaks that they had. Medyo busog pa rin naman kami ni Chase kaya nagpasya siyang sa resort na lang kumain pagkarating namin. Nilingon ko si Sara