Pagkatapos naming mag-ayos ng gamit ni Chase sa silid na inookupahan namin ay agad din naman kaming lumabas para puntahan ang mga bata at si Sara sa kwarto nila para makapagtanghalian na. Hindi pa ako nakarating dito kaya hindi ko alam kung saan kami kakain, pero sabi ni Chase ay nag-research naman siya tungkol sa lugar kaya hahayaan ko na lang siyang magdesisyon. Dalawang katok ang ginawa ko sa pinto ng kwarto ng mga bata bago ito marahang binuksan at itinulak. Naabutan namin si Sara na nakaupo sa may veranda, kasama sina Miles at Chart na nakatanaw sa ibaba at pinapanuod ang mga taong naliligo sa dagat. Mataas naman ang railings at mga bakal na nakaharang kaya tingin ko ay hindi naman delikado kung hindi mo sasadyaing umakyat sa mga iyon, napangiti ako kasi sabay pa na napatayo ang dal