The Soldier & I Ai_Tenshi Part 29: Ang Nawalang Pangako "Mabuti naman at gising ka na anak, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni papa noong mga sandaling imulat ko ang aking mata. "Nasaan ako? Nasaan si Bryan?" ang agad kong tanong habang pilit na ibinabangon ang sarili. "Anak, mabuti pa ay mag pahinga ka muna dito.Hindi makabubuti sa iyo ang labis na pag iisip." sagot ni papa na tila umiiwas sa aking katanungan. "Umuwi na tayo ngayon, nag hihintay na si Bryan doon sa kampo. Ang pangako nya sa akin ay babalik sya agad at muli kaming mag sasama ng masaya." tugon ko naman habang nag pupumilit na umalis sa aking higaan. "Anak, alam kong mahirap tanggapin ang nangyari ngunit kailangan mong tatagan ang sarili mo. Wala na si Bryan, maraming binawian ng buhay sa Syria at kabilang sya doon.

