The Soldier & I Ai_Tenshi Part 21: Music Box "Bryan, maayos na ang iyong silid sa itaas. Maaari mo nang dalhin ang mga gamit mo doon upang kayo ay makapag pahinga." wika ni Mang Gardo habang nag sisinop ng ibang gamit sa kusina. "Salamat Mang Gardo ngunit mas gusto kong doon mag palipas ng gabi sa kubo doon sa gitnang bukid. Malamig kasi doon at sariwa ang hangin. "Kung sa bagay ay ipina ayos ko lang ito noong nakaraang araw. Syempre ay nandoon pa rin ang iyong mga gamit at ilang mga kasangkapan. Nag lagay na rin ako doon ng ilaw at baterya upang hindi kayo madiliman." naka ngiting sagot ni Mang Gardo. "Hanggang ngayon ay paborito mo pa rin ang kubong iyon kaya't ginagawa ko ang lahat upang alagaan ito." "Salamat po Mang Gardo. Noong nasa Cambodia ako ay pa