The Soldier & I Ai_Tenshi Part 22: Tanging Mahal Sa pag papatuloy ng kwento ni Bryan tungkol sa kanyang nakaraan... Muling bumalik sa sigla ang samahan namin ni papa. Inayos niya ang kanyang buhay at sa tulong ni Mang Gardo ay agad siyang naka hanap ng trabaho bilang isang driver ng truck na nag aangkat ng bigas at palay sa ibang bayan. Ako naman ay bumalik sa pag aaral bilang grade 6 at si Mang Gardo rin ang aking guro. Naging maayos ang buhay namin ni papa, unti unti kaming nakabangon mula sa pag kakadapa dulot ng pag kawala ni mama. Ngayon ay hindi na ako lumalakad ng naka paa dahil sa tuwing sasahod si papa ay binibilhan nya ako ng mga bagong tsinelas at sapatos. Pinatigil na rin niya ako sa pag titinda sa kalye upang makapag focus daw ako sa aking pag aaral. Labis labis naman ang