The Soldier & I Ai_Tenshi Part 16: Sugal "Goodmorning bro, kumusta ang weekend mo?" tanong ko kay Ed noong makita ko itong naka upo sa hallway, tila malalim ang iniisip at wala ito sa katinuan. "Okay naman ako frend, ikaw ha.. nag outing pala kayong nila Sarge hindi ka man lang nag aaya, nakakatampo kana talaga." pag mamaktol nito. "Iyon ba? Pasensya ka na bro, lakad kasi iyon ng mga sundalo, ayaw lamang akong iwan ni Turalba dahil napapraning ito na baka may mangyari daw sa aking masama. Pero huwag kana mag tampo dyan dahil marami naman akong biniling pasalubong para sa iyo. Heto oh." katwiran ko naman sabay abot ng isang bag na nag lalaban ng mga items, pag kain at tshirt galing sa resort. "Eh sumobra naman kasi ng pagiging over protective iyang boyfriend mo kaya kahit saan ay isinas