The Soldier & I Ai_Tenshi Part 17: Halimaw sa bangis "Sigurado ka ba na magiging maayos ang laban ni Ed bukas? Nag aalala lamang ako." wika ko kay Bryan habang naka higa sa matipunong braso nito. "Oo naman boss. Magiging maayos ang lahat bukas dahil nag handa si Ed para sa labang ito. At isa pa ay hindi na siya katulad ng dati na lalampa lampa at malambot kung kumilos, nakita mo naman kung paano niya lapain lahat ng sundalong nagiging ka sparing niya." wika ni Turalba habang hinihimas ang aking likuran. "Hindi naman ako nag aalala kay Ed eh, mas nag aalala ako sa kalaban niyang si Dambo dahil baka mapatay nya ito. Alam ko naman na malaki na ang pinag bago ni Ed, daig pa nito si Optimus prime doon sa beast wars kung makipag sagupaan." tugon ko. "Huwag kana mag alala boss, magiging maayo