The Soldier & I Ai_Tenshi Part 9: Magulong Pag -ibig Sa pag lipas ng mga araw mas lalo pang naging magulo ang buhay ko sa loob ng campus lalo na noong pumasok din ang bantay ni Jemwell na si Sarge Jayson Perocho bilang aming kaklase. At dahil dito ang aming block section ay ang tinagurian pugad ng mga gwapong estudyante at mistulan itong naging tourist spot ng mga mag aaral na gustong sumilay sa mga numero unong crush nila na sina Turalba at Jayson. Dati pa rin naman ang samahan namin ni Bryan Turalba iyon nga lang ay kasing tabang na ito ng kapeng walang matamis, mapait pa. Basta ginagawa lamang niya ang kanyang trabahong bantayan ako at malayo na ito sa nakagawiang closeness naming dalawa kaya naman may oras na wala akong magawa kundi panindigan nalang ang pag iwas sa kanya bagamat