The Soldier & I Ai_Tenshi Part 38: Ang Kinalimutang Mandirigma Dalawang buwan na ang nakalipas mag buhat noong mag tungo kami sa Syria upang mag assist ng mga pinoy na naipit sa kaguluhan dito.Halos hindi ko na rin mabilang ang dami ng lugar na naikutan namin ngunit walang bakas ni Bryan sa mga ito. Minsan ay sumasagi sa aking isipan na baka nga wala na siya sa mundong ito at matagal na itong lumisan kaya naman ibayong lungkot at sakit ang aking nararamdaman. Iba na kasi ang sitwasyon at paki wari ko ba ay ang lahat ng aking mga kasama ay sumuko na rin sa pag hahanap dito. Kung sa bagay, ako lang naman talaga ang nag pupumilit na buhay siya at ang lahat ay kinalimutan na ang dating madirigma na handang ibuwis ang lahat para sa kanyang misyon. Aminado naman ako na kahit ako man sa aking

