The Soldier & I Ai_Tenshi Part 39: Ang Nawawalang Pag mamahal Pinag halo halong emosyon ang lumukob sa aking pag katao. Maging si Ed ay nabuwal sa kanyang kinatatayuan noong mga sandaling nasilayan niya ang mukha ni Bryan. Parang isang panaginip lamang ito dahil hindi ako makapaniwalang ang taong matagal ko hinintay at hinanap ay nandito na ngayon sa aking harapan. Ang taong pinag alayan ko ng aking buong pag katao at ang taong minahal ko ng higit pa sa aking sarili Nag patuloy sa pag patak ang aking luha. Ang mga araw ng pag hahanap, pag hihintay ay natapos na. Ang mga katanungan sa aking sarili ay nag lahong parang bula at kasabay nito ang kusang pag hakbang ng aking paa patungo sa kanyang kinatatayuan. "Bryan.. Bryan!!!!!" ang pag iyak ko sabay yakap sa kanyang ng mahigpit. Hindi

