The Soldier & I Ai_Tenshi Part 31: Ang Mapangahas na Desisyon Pitong buwan na ang lumipas mag buhat noong mawala si Turalba sa aking buhay. Sa mga araw at linggong nag daan ay sinubukan kong mag trabaho upang makapag bagong buhay at mahanap ang lugar kung saan ko matatagpuan ang aking sarili na masaya at malayo sa kalungkutang kinasadlakan. Pinilit kong ituon ang aking attensyon sa ibang bagay kung saan malilibang ako ngunit pagod lamang ng katawan ang napapala ko at sa gabi pag higa ko sa aking kama ay nag babalik pa rin sa aking ala-ala ang imahe ni Bryan kaya't ibayong lungkot ang aking nadarama. Sinubukan ko ring makipag kilala at mag entertain ng ibang lalaki, ngunit may kung anong bagay sa aking tenga ang bumubulong itigil ko ito dahil mali at hindi maaari kaya naman agad ko rin

