SEBASTIAN'S POV Ilang sandali lang ang hinintay namin dito sa tapat ng NAIA at natanaw ko na ang sinadya namin. Bumuga ako ng usok mula sa sigarilyo bago diretsong tumingin ng matalim kay Richard del Valle na ngayon ay huminto. Tila ngayon lang naisip ang katangahan nyang ginawa. At ang gago, nag-menor paatras atsaka mabilis na nag-drive palayo samin. Sinenyasan ko lahat ng tauhan ko na magsisakay na sa kanya-kanyang sasakyan para sundan si Del Valle. "Master maraming salamat, nailigtas namin ang anak ko. Naihanda ko narin ang truck na iniuutos nyo." Wika ni Hexel sakin. Napangisi ako habang tinatanaw ang palayong sasakyan ni Del Valle. Sige, Del Valle tumakbo ka. Tumakbo ka at siguraduhin mong hindi kita maaabutan. RICHARD DEL VALLE'S POV Pinaharurot ko ang sasakyan ko palayo sa NAIA