RICHARD DEL VALLE'S POV "Mag-abang kayo dyan sa NAIA Terminal 1. Darating kami ng eksaktong alas-otcho ng gabi dyan." Wika ko sa kausap ko. Hexel Garcia. Isa sya sa tauhan ni Sebastian na nakuha ko ang loob. Bakit nga naman hindi? Nasakin ang nag-iisa nyang anak. At oras na hindi nya sinunod ang gusto ko ay pagpipiyestahan ng uod ang anak nya. Pinalibutan lahat ng tauhan ko ang bawat sulok ng hospital dahil ngayon ko isasakatuparan ang matagal ko nang nais. Isinuot ko ang mamahalin kong shades atsaka balewalang lumakad papasok ng hospital kung nasaan ang mahal kong si Bree. Hinding-hindi ko na hahayaan na hindi sya mapunta sakin. Sa tagal kong naghintay ng pagkakataon. Sinadya ko rin na wala sa hospital si Sebastian para mas madali kong makuha si Bree. Pagkabukas ko ng pintuan ng kwar