SEBASTIAN'S POV Napakabilis nang pangyayari. Hindi ko namalayan na umiiyak na ko habang yakap-yakap si Bree at paulit-ulit na dinadampian ng mga halik ang buong mukha nito. Pikit pa ang mga mata nya pero nakahinga kami ng maluwag ng bumalik ang t***k ng puso nya ng magdikit lang ang mga balat nila ng aming mga anak. Hindi ako nagdadasal pero simula nang dumating sa buhay ko si Bree, natuto akong kausapin at makiusap sa Kanya. Bawat minuto wala akong sinambit kundi pasasalamat sa Kanya dahil hindi nya kinuha nang tuluyan ang asawa ko sa amin. "I told you Sebastian. Bree will never give up. Especially when it comes to her children and.. you." Mahinang sambit ni Zeke sakin atsaka ako tinapik sa balikat. Nandito na kami sa labas ulit ng ER. Tanaw namin na inaayos na ng mga doctor si Bree.