Sa tingin ni Meghan ay kinailangan na siyang umalis mula sa bahay ni Nick. Ayaw man niyang iwan ang mga taong mahal niya, wala na siyang magagawa pa. Magiging magulo lang ang lahat kung pipiliin niyang manatili sa malaking bahay kasama si Nick at ang mapapangasawa nito. Between Tanya and Margaret, she would chose Margaret. Kakaiba kasi ang mga kilos ni Tanya pero hindi niya mapagtanto kung ano 'yon. Tinawagan niya si Emma ngunit nakapatay yata ang cellphone nito. Saan naman kaya siya pupunta? Hindi naman kasi pwede na mag-ibang probinsya siya dahil sa kanyang kalagayan. Mahirap magbuntis na mag-isa lang pero hindi naman pwede na isasama niya si Merlie o ang isa sa mga katulong nila dahil ayaw niyang matunton ni Nick. Nag-empake si Meghan ng kanyang mga gamit dahil hindi na talaga magbaba