Chapter 30

1013 Words

Nagboomerang ang plano ni Nick na pagselosin si Meghan sa tulong ni Tanya dahil unang araw pa lang ng babae sa kanilang bahay ay sumuko na si Meghan at umalis. Hindi niya alam kung saan nagtungo ang babae at nang kausapin niya si Merlie ay wala rin itong alam. Umasta siyang parang teenager na hindi alam ang gagawin. Tuloy, nilayasan siya ng babaeng pinaka-importante sa buhay niya ngunit itatama niya ang lahat. Aamin na siya sa kanyang tunay na nararamdaman at hindi na magpatumpik-tumpik pa sabi noong awitin ni Vice Ganda. Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao dahil mas mahalaga si Meghan kaysa sa opinyon ng iba. "Manang, magtapat ka nga sa akin. Talaga bang hindi mo alam kung saan nagpunta si Meghan?" Minsan ay kinausap niya ng masinsinan si Merlie dahil sa kagustuhang makita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD