Ilang beses na kumurap si Meghan nang makilala ang lalaki."Nick! Anong ginagawa mo rito?" hindi niya inasahan na makitang muli ang lalaki dahil hindi pa siya handa. "Umuwi ka na," pakiusap ni Nick habang nakatitig sa dalaga. "Ayoko," sumagot si Meghan. "Please?" pangungulit ni Nick sa babae. "Ayoko nga sabi," nagmatigas si Meghan na magpadala sa ka-sweetan ni Nick at dalangin niya na sana ay umalis na ito bago pa siya matukso na bumigay. Inasahan na ni Nick na magmatigas si Meghan na sumama sa kanya pauwi dahil kilala niya ito. "Hindi mo na ba ako mahal?" Napatingin si Meghan sa mukha ng lalaki at nagsisi siya sa ginawa. "Kaya nga ako umalis dahil mahal kita," sabi niya. "Ano'ng klaseng pagmamahal 'yan kung iiwanan mo rin ako?" Hindi na nahiya si Nick na magsalita galing sa kanyang