Bawat pagkakataon na nagpang-abot sila ni Margaret, sa kusina man, sa garden, o sa kahit saang sulok ng bahay, kumulo lang lalo ang kanyang dugo. Papapel kasi masyado ang babae, eh. Trying hard na mapansin ni Nick ang kanyang galing sa pagluluto, paglilinis, at interior designing. Lahat na yata ay gustong baguhin ni Margaret. Nasa sala siya at inaliw ang sarili sa panonood ng mga videos sa t****k nang mapansin niya ang ilan sa mga katulong kasama si Manang Merlie na patungo sa second floor. “Manang, ano’ng meron sa second floor?” tinanong niya si Merlie. “Nagpapatulong si Margaret na linisin ang dating silid ng Dada mo,” sumagot si Merlie. “A-ano?” Mabilis siyang tumayo at tinakbo ang hagdanan dahil sigurado siya na may ibang balak ang babae. Kung lilinisin lang, bakit kailangan ng lim