He shouted at her! Shocked pa rin si Meghan sa ginawang pagsigaw ni Nicholas sa kanya doon sa opisina nito. Aside from being shocked, she was also embarrassed! Hah! Makikita ng lalaking iyon. Darating din ang panahon na babangon ang mga api! Char, feeling api kaagad eh nabasted lang naman. Pagkababa sa building ay sumakay siya kaagad ng taxi at nagpahatid sa bahay. Palpak ang unang araw ng kanyang mission. Pero di bale, may ibang pagkakataon pa naman. Bakit ba kagabi lang niya naisipan na ipaglaban ang kanyang feelings para sa lalaki? Limang taon ang kanyang sinayang at sa loob ng limang taon mas lalo lang niyang ipinaubaya kay Margaret ang lalaki. Hinanap niya si Merlie at tinanong ito kung may alam ba tungkol sa pag-seduce ng isang lalaki. Nanlaki ang mga mata nito sa pagkagulat. Kag