Matiyaga siyang naghintay sa pag-uwi ni Nick at inabangan talaga niya ito sa may gate. Nang margining ni Meghan na paparating na ang sasakyan ng lalaki, siya na mismo ang nagbukas ng gate at pinasakay siya ng lalaki hanggang sa kanilang garahe. “May kailangan ka ba sa akin? Magkano?” nag-assume ni Nick na malaking halaga ang kailangan ng dalawa at napailing na lang siya habang inisip kung ano na naman kaya ang balak nito. Last time kasi na humingi ito ng malaking halaga ay ipinamigay lang nito sa mga taong mahihirap. Tiningnan niya ng masama ang lalaki habang pinatay nito ang makina ng sasakyan. “Hindi pera ang kailangan ko Nick,” sabi niya. Bahagyang kinabahan si Nick sa ekpresyon ni Meghan dahil masama ang kutob niya. “Kung hindi pera ay ano?” tinanong niya ang babae. Huminga muna si