Alas singko pa lang ng hapon ay nagbihis na si Meghan para sa dinner nila ni Alexander. She chose the mulberry lace sheath dress by Adrianna Papell. It has softly pleated cap sleeves and an alluring back cut-out. Square ang neckline nito kaya modest siya tingnan. At nakalugay naman ang kanyang mahabang buhok kay hindi mahahalata ang cut-out sa likod. Pinarisan niya ito ng Jimmy Choo Lace pump na kulay itim. Nag-apply siya ng konting make-up para hindi naman siya mukhang alalay sa tabi ni Alexander. Pero kahit na mas pogi pa ito kay Nick, si Nick pa rin ang gusto niya. Bitbit ang silver na pouch, bumaba na siya. She smiled at Alexander nang madatnan niya ito sa baba. "Wetwew! You look splendid, Meg." Sinadyang lakasan ni Alexander ang kanyang boses dahil alam niyang nasa malapit lang si Ni