Kanina pa lumabas si Nick pero pulang-pula pa rin ang pisngi ni Meghan sa pagkapahiya. Siya ang nahiya sa ginawa ng lalaki. She didn't expect that Nick would play dirty just to discourage her. Next time na gagawin ng lalaki ang ginawa kanina, hindi niya aatrasan si Nicholas Demakis. Baka akala nito na wala siyang kakayahan na patulan ito? Napangiti si Meghan dahil desidido na talaga siya. She would have him by hook or by crook. Physically, alam niyang attracted sa kanya ang lalaki at dun siya magsimula. Sooner or later, he would fall for her! Umahon siya sa tub at lumipat sa shower. Next time na lang siya magbabad sa tub dahil kailangan niyang magmadali upang maabutan si Nick. Lunch time na at gusto niyang sumabay sa pagkain. Pagdating niya sa dining area, nakita niyang masayang nagkwen