Nagpresenta si Nick na siya na ang magmaneho pauwi kasi mukhang lutang pa si Meghan sa nangyari doon sa Coliseum. Gaano man siya nainis sa ginawa ni Michael, hindi niya ito pwedeng saktan o bugbugin kasi isa sa mga kundisyunes ni Meghan ay dapat niyang tulungan ang lalaki. “Bakit ka pumayag na magpaligaw?” Tinanong ni Nick si Meghan habang pauwi na sila. “Wala ka na dun,” sumagot si Meghan. “Meghan naman, nagmukha akong tanga kanina sa ginawa mo, eh!” Tumaas ang boses ni Nick nang maalala ang nangyari. “Mag move-on ka na rin kasi tulad ko,” hinamon niya ang lalaki na gawin ang isang bagay na hindi rin naman niya magawa. “Simple lang ang buhay ng tao Nick, kaya’t huwag na nating gawing kumplikado ang lahat. Masaya na ako sa ganito, at sana ay ikaw din.” Pinayuhan niya si Nick, nagkunwar
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books