“SURE ka na ba talaga sa plano mo, best? Wala na iyang urungan?” tanong ni Brenda. Nasa Chang Mai Airport na siya at desidido na siyang umuwi ng Pilipinas. “Oo, pinag-isipan ko na ito ng ilang beses. At masayang-masaya ako sa desisyon ko. Gusto ko na talagang mag-settle sa Pilipinas. Mahirap pala na malayo ako sa mga taong mahal ko. Isa pa, miss na miss ko na ang mga kapatid ko.” “Nakakalungkot naman dahil tuluyan ka na talagang aalis. Wala na akong kasama rito sa pamamasyal. At si Mitsu, sigurado ako na hahanapin ka niya dahil itinuring ka na niyang nakakatandang kapatid.” Niyakap ni Khara ang kanyang kaibigan. “Masaya ako para sa inyo ni Mitsu, Brenda. Sayang nga lang at hindi na siya nakasama rito sa airport.” “Congratulations at best wishes sa inyo ni Daimon, best. Ngayon lang ako

