“HINDI na naman maipinta iyang mukha mo, bro. Lumipas ang pasko, bagong taon, three kings, 40 days ni Lander at malapit na naman ang Valentine’s day pero ganyan ka pa rin. Ano ba talaga ang nangyari?” tanong ni Seth habang inilalagay nito sa lamesa ang breakfast niyang ipiniabili niya rito sa isang food house. Tanging black na boxer lamang ang kanyang suot nang umupo siya sa silya. Isang linggo na rin siyang hindi lumalabas ng bahay niya. “Break na ba kayo ni Khara?” biglang tanong sa kanya ni Seth. “Tsk. Alam mo naman na hindi ako papayag na mangyari iyon,” nakasimangot niyang sagot. “Hindi mo nga ibinigay sa kanya iyong binili mong regalo noong pasko. Hindi rin tayo lumabas noong new year para mag-celebrate. Nandito ka lang sa bahay mo at nagmumukmok. Naiintindihan naman kita kung ay

