“PARENG LANDER!” tawag sa kanya ni Andy, kasama nila sa trabaho ni Fernando na umi-extra din sa pagko-construction. Nadaanan siya nito habang ipinapainit niya si Jay R sa labas ng kanilang bahay. Nilapitan siya nito at tinignan ang anak niya. “Hulmang-hulma ang mukha sa iyo, pare. Aba’y guwapo rin iyan kapag lumaki,” masayang sabi pa nito. “Ikaw talaga, pare. Magaling na ba ang paa ni Mang Fernando?” “Nagpapagaling pa lang siya sa bahay nila. Lapitin talaga siya ng disgrasya. Ikaw ba? Hindi ka ba papasok ngayon sa trabaho, pare? Dinagdagan ni Sir Miko ang pasahod niya sa mga labor dahil natutuwa siya sa foreman natin.” Umiling naman siya rito. “Pass muna ako, pare. Walang mag-aalaga sa anak ko, e. Medyo nagkaroon kami ng tampuhan ng misis ko kaya heto, ako muna ang mag-aalaga sa anak n

