“Santos, Soledad Khara, Magna c*m Laude!” malakas na pagtawag ng kanyang professor sa pangalan niya. Sabay silang umakyat ni Daimon sa stage upang tanggapin ang kanyang diploma, certificate at medal. Hindi niya mapigilan ang sarili na umiyak habang isinusuot sa kanya ang medal niya. Tiningala niya si Daimon na masayang-masaya ang mukha. Pinahid niya ang luha sa kanyang pisngi bago sila magpa-picture na magkasama. Pagkababa niya ng stage ay sinalubong sila ng kanyang mga kaibigan. Sina Nicole, Migs at Brenda. Sina Nicole at Migs ay c*m Laude habang si Brenda naman ay katulad niyang Magna c*m Laude. “So, tuloy na tayo niyan sa Thailand!” masayang sabi ni Brenda sa kanila. Natahimik si Khara dahil hindi pa niya nasabi kay Daimon ang plano niya. “Pagkatapos ng graduation natin at oath-tak

