“Ang ganda ng bagong bahay mo, Rina?!” Nanlalaki ang mga matang bulalas ni Tita Rox. Ngumiti naman siya nang may pagmamalaki rito. “Syempre naman, Tita Rox. Binili ko ang two storey house na ito dito sa Malate gamit ang sariling pera ko,” pagmamayabang pa niya rito. “Tuloy ka, Tita Rox.” “Kaya pala hindi na kita madalas na nakikita sa bar dahil busy ka ngayon sa pag-aayos ng bagong bahay mo.” Napansin nito ang mga bagong bili niyang mga gamit. Umupo ito sa couch at nag-cross legs. “Mukhang sinunggaban mo na talaga si Mister Jorsey. Oh should I say ex-governor Jorsey.” Nangislap naman ang kanyang mga mata sa sinabi nito. Halatado ang inggit nito sa kanya. Mula nang umalis siya ng poder nito at magsarili na siya ay nabalitaan niyang nagkapatong-patong daw ang nga utang nito. At ang sabi s

