ALA UNA na ng madaling araw nang makauwi si Daimon sa bahay niya. Pinagbuksan siya ng gate ni Kuya Insyong na may ngiti sa mga labi. Ibinaba niya ang bintana ng kanyang sasakyan at saka ito binati. “Mukhang maganda ang awra mo ngayon, a, Kuya Insyong. May maganda bang balita?” Ipinagpatuloy niya ang paggagarahe ng kanyang sasakyan habang hinihintay ang sagot nito. Isinara muna nito ang gate bago muling lumapit sa kanya. Ibinaba nito ang sumbrero at saka itinuro ang bahay niya. “May maganda kang bisita, Sir Daimon. Alam kong matutuwa ka kapag nakita mo siya,” kinikilig pa na sabi nito sa kanya. “S-Si Khara po ba?” mabilis niyang tanong dito. Nagmadali siyang bumaba ng sasakyan niya at isinara nang malakas ang pinto ng kanyang sasakyan. “Nariyan po ba si Khara?” Tumango naman ito nang

