“MABUTI naman at nakauwi ka na?” nakataas ang boses na tanong ni Katarina kay Lander habang nakapameywang siya sa may pintuan ng apartment nila. “Kanina pa kita hinihintay! Halos mamuti na ang mga mata ko kakahintay sa iyo dahil ang sabi ng foreman ninyo maaga kayong uuwi ngayon!” “L-Love…” Akmang hahagkan siya ni Lander sa pisngi ngunit umiwas siya rito. “May kinita ka naman ba?” muling tanong niya rito. “Wala pa tayong ulam kaya hindi na pa ako nagkapagsaing ng kanin.” Narinig niya ang pagbuga ng malalim ni Lander bago nito dukutin ang pera sa bulsa ng maruming pantalon na suot nito. “Heto.” Iniabot nito sa kanya ang ilang perang papel at mga barya na tagpipiso. “Apat na daang piso lahat iyan.” Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. “Ito lang?” malakas na tanong niya rito. “B

