NAHIHIRAPAN si Khara sa pagbibitbit ng mga bag na dala ni Daimon. Hindi man lang siya nito lingunin kahit na alam nito na nahihirapan siya. Naunang bumaba ang mga ito sa van dahil may mga fans na gustong magpa-picture sa mga ito. Nagtungo siya sa may reception at tinanong ang reservation room nina Daimon sa hotel na kanilang tutuluyan. “Miss, kayo ba ang P.A na sinasabi ni Sir Daimon?” tanong sa kanya ng babaeng receptionist habang ibinababa niya sa sahig ang mga bag na bitbit niya. Pinunas niya ang kanyang butil-butil na pawis bago sumagot. “Ah, oo,” napipilitan na aniya. May ibinigay naman na trolley ang babae sa kanya. “Dito na lang po ninyo ipatong ang mga bags para hindi na kayo mahirapan.” Nginitian siya ng babae habang iniaabot nito ang susi na may nakalagay na number. “Room num

