"Ang ganda na ng coffee shop p'wede na tayong magsimula next week," namamanghang sabi ni Daimon habang nakatingin sa inayos nila nina Aling Gorya, Mang Pidoy at mga anak ng mga ito na nandito kanina upang tumulong sa kanila. Nalaman niya na magaling tumula ang bunsong anak ni Mang Pidoy na babae kaya naman naisip niya na bigyan din ito ng spotlight sa Café. Ganoon din ang mga anak ni Aling Gorya na mga amateur singers din. Kapag naging maganda ang idea niya malaking tulong ang mga naisip niya upang magkaroon ang mga ito ng dagdag na allowance. "Salamat dahil hinayaan mo ako na makialam at pinagbigyan sa mga ideas na naisip ko," nahihiyang aniya rito. "Sus, maganda nga itong naisip mo, Khara. Gusto ko rin talaga ng ganitong set up, naunahan mo lang ako. Anyway, baka gusto mong kumain sa

