"Kat, hindi ka ba hinahanap sa trabaho mo? Dalawang araw ka na kasing hindi pumapasok, e," nag-aalalang sabi ni Levi sa kanya habang nilalabhan nito ang mga maduduming damit niya. Pagkatapos nilang mag-away ni Lander noong isang araw ay hindi pa niya ito inuuwian. Umalis siya sa bahay na inuupaan nila na walang paalam dito. Gusto niyang maisip ni Lander na mas importante siya kaysa sa kanyang kapatid. Nakataas ang kanyang paa sa lamesita habang kumakain ng mangga na ipinabili niya kay Levi sa ibaba ng apartment nila. Nakabalot lamang ng tuwalya ang hubad niyang katawan dahil kakatapos niyang maligo. "Bakit mo ba ako gustong pumasok? Ayaw mo ba no'n na nandito lang ako at magkasama tayong dalawa," aniya bago isawsaw ang mangga sa ginisang alamang na may sili. Takam na takam siya sa mga

