“Tita Nida?!” Hindi makahingang sambit ni Khara habang nakating sa kanyang stepmother na nakaupo sa labas ng ICU. Mabigat ang kanyang mga paa na humakbang palapit dito. Bumubuhos ang kanyang mga luha sa mga mata. At nang makalapit siya rito ay kusang bumigay ang kanyang mga tuhod. Napakuhod siya sa harapan nito habang umiiyak ng malakas. “Kha-Khara… ano ang… a-ano ang sinabi ng doctor?” Umiling siya rito habang umiiyak. Kaagad na nagtungo sa loob ng ICU si Tita Nida. Naroon pa ang mga doctor na iniwan niya matapos niyang makita na unti-unting nawawalan ng heartbeat ang kanyang ama. Wala na ito. Wala na ang kanyang ama. “Tatay!” Tatay ko!” nagsusumigaw na sambit ni Khara. Labis-labis na paghihinagpis ang kanyang nararamdaman. May humintong tao sa kanyang harapan. Tiningala niya ito a

