HINDI mawala ang ngiti sa mga labi ni Daimon habang pinapauod si Khara na mukhang pagod na pagod sa pagbaba ng kanilang mga gamit. Nagmistulan talaga itong Personal Alalay niya dahil sa kalokohan na pinagagagawa niya. Gusto lang niyang malaman kung gaano kahaba ang pagpapasensiya nito sa isang bad boy na katulad niya. Gusto pa rin niyang ipakita rito ang kanyang masamang ugali… pero syempre hindi naman talaga siya ganoon. Gusto lamang niya na kamuhian siya nito upang mas madali para sa kanya na ipakita na badboy siya. “Kuya Daimon?” untag sa kanya ni Rio. Anak ito ng dating family driver nila na si Manong Chavez. Ipinakuha niya rito ang kanyang sasakyan sa La Union upang may magamit sila ni Khara sa pagpunta sa Botolan Zambales. Ibinalik niya ang tingin kay Rio at muling sumeryoso rito.

