Nakasunod si Khara kay Daimon habang nasa loob sila ng isang mini grocery. Nag-stop over muna sila dahil bibili raw ito ng sigarilyo at bubble gum. Nagpasya na siyang sumunod baka may makita siyang magustuhan niyang bilhin kaso nga lang wala siyang dalang pera maliban sa ATM na ibinigay nito sa kanya. Naroon kasi ang lahat ng kanyang pera na mula sa mga sinasahod niya sa café na hindi pa niya iwini-withdraw. Iilan lang ang mga tao sa loob ng mini grocery. Maraming ang aircon ngunit pinagpapawisan siya sa hindi niya malaman na dahilan. Habang nakasunod siya kay Daimon ay nasa isip na niya ang magiging sitwasyon kapag nasa Zambales na sila at mananatili doon ng ilang araw. Sa kanyang pag-iisip ay napatigil siya sa linya ng mga malalaking sitsirya. Nilingon siya ni Daimon at ngumuso sa mga

