“Good morning, misis ko,” masayang pagbati ni Daimon kay Khara paggising niya. Iminulat naman nito ang mga mata at saka siya niyakap nang mahigpit. “Matulog pa tayo, mister ko. Inaantok pa ako.” Isiniksik nito ang ulo sa kayang dibdib. Pumikit muli siya at niyakap din ito nang mahigpit. Napuyat sila dahil sa kanilang paulit-ulit na pagtatalik kagabi. Sabik na sabi kasi siya rito dahil dalawang araw din niya itong hindi nakita. Nagkaroon kasi sila ng Gig sa Bataan at sumama siya. Iniwan niya si Khara na busy naman sa pag-aaral. Linggo ngayon ng umaga at wala itong pasok. Kapwa sila hubo’t hubad sa ilalim ng kumot. Muli niyang iminulat ang kanyang mga mata. Tumingin siya sa orasan na nakasabit sa may pader ng kuwarto nila. “Misis ko, alas diyes na pala ng umaga. Baka magtampo na naman s

