Magkahalong pagod at kalasingan ang nararamdaman ni Daimon habang patungo sa elevator. Alas dose na ng hating gabi nang huminto ang kanilang banda sa pagtugtog. May mga dumating naman na DJ na siyang magpapatuloy sa party na iniwan nila. Sakop na iyon ng management ng hotel dahil sa ipinagdiriwang nitong anniversary. Hindi na siya nakapagpaalam kay Mitch dahil iniisip niya si Khara. Wala na ito kanina sa may swimming pool area at nakita niya na itong pumasok sa loob ng hotel kanina. Inayos ni Daimon ang kanyang nakataling buhok habang nakasandal siya sa loob ng elevator. Kahit na sinasadya niyang sungitan si Khara ay hindi pa rin niya maitatanggi na hindi niya ito kayang pabayaan. Hindi nito alam kung gaano siya nito pinag-alala kanina. Kung p’wede nga lang niyang patulan ang lalaking ma

