Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan para kay Khara. Hindi niya namalayan na aabot siya ng ganito katagal dito sa La Union. At sa parating na semester ay papasok na muli siya sa isang university upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Naayos na niya ang kanyang mga kailangan at nakapag-enroll na din siya. Ipagpapatuloy na niya ang kanyang naudlot na pangarap para sa kanyang sarili. Nakatayo si Khara malapit sa dalampasigan at pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Alas sais na iyon ng hapon nang yayain siya ni Jeff na mamasyal sa malapit lamang na beach. Naging malapit sila sa isa't isa at itinuring na siya nitong BFF. Gay si Jeff at napapasaya siya nito mula nang maging magkaibigan silang dalawa. Si Daimon naman naging madalas ang pagluwas sa Manila. Sa loob ng isang linggo dalawang b

