Kabanata 36

1273 Words

"Love, gising na." Inalog ni Lander ang balikat ni Katarina habang paulit-ulit itong ginigising. "Nakapagluto na ako ng umagahan natin. Ngayon ang check up mo sa center 'di ba?" malumanay na tanong ni Lander dito. "Ano ba?!" naiinis na singhal ni Katarina sa kanya. "Inaantok pa ako at napakaaga pa naman!" "Love..." muling aniya habang hinahaplos ang pisngi nito. "Maghahanap pa kasi ako ng trabaho pagkatapos ng check-up m---" "Ganoon naman pala, e. Mauna ka na kasing umalis dahil maghahanap ka ng trabaho. At ako naman magpapa-check up na lang ako mag-isa. Mag-iwan ka na lang ng pera diyan pampa-check up ko. Mabuti naman at naisipan mong maghanap ng trabaho dahil nakakasawa na rin kasi na puro na lang de lata ang ulam nating dalawa. Magkakaroon na ako ng allergy sa balat dahil diyan sa pu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD